Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa binawalang magkadyowa si Lorin

0 741

NI: VINIA VIVAR

Hindi na rin nakaiwas sa tawag ng showbiz ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez.

Pinasok na rin niya ang mundo ng kanyang pamilya na sinimulan ng lolo niyang si Eddie Gutierrez at sinundan naman ng mga anak.

Pumirma na si Lorin ng exclusive contract sa Viva Artists Agency (VAA) recently. The entertainment press welcomed her with open arms via virtual presscon na isinagawa last Tuesday.

Asked kung may takot ba siyang nararamdaman, ayon sa dalaga ay mas excited siya sa mangyayari sa bagong kabanata na ito ng kanyang buhay.

“Wala naman akong masyadong takot. If anything, I just feel more excited. I can’t wait to start this new journey and new chapter of my life. Parang buong buhay ko, I’ve been waiting when’s the right time to finally do this and finally follow my family’s footsteps.

“And now that I’m almost 18, it just feels right. It feels like I’m comfortable finally. Kasi never namang sinabi ng family ko na ‘kailangan mo ‘tong gawin ngayon’ or they never tried to rush me. They never tried to pressure me.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“So, parang everything was at my own phase. And now, I’m ready, I’m excited. Wala naman akong takot or nervousness. I’m just really excited to put all my effort into this and see what this new chapter in my life will take me,” pahayag ni Lorin.

Natanong din ang dalaga kung may restrictions at pagbabawal bang ibinigay sa kanya ang kanyang ina sa pagpasok niyang ito sa showbiz at sey ni Lorin, bawal daw muna siyang mag-boyfriend.

“No boyfriend, focus on studies, focus on my career and she just tries to instill in me that I should focus on myself rather than focusing on other people first,” she said.

Aniya ay okay na okay naman sa kanya dahil sa ngayon ay wala naman daw talaga siyang time para mag-focus sa mga ganyang bagay.

Isa rin sa mga naitanong kay Lorin ay kung susundan ba rin niya ang yapak ng kanyang ina sa pageant world. Of course, we all know na hinirang si Ruffa na Second Princess in Miss World 1993.

“As of right now, I don’t really have any plans, to be honest, I haven’t thought much about it. As of now, I’d rather focus first on the showbiz side of things, my career.

“But honestly in the future, my mind can change in a year, my mind can change in 3 years, we never really know. So, I guess I just have to see where my mind takes and where my future takes me in terms of beauty pageants,” saad ni Lorin na napakahusay sumagot, sa totoo lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.