Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa binuking si Annabelle

0 68

Sa vlog ni Ogie Diaz, nakapanayam niya ang “Sexy Babe” judge ng “It’s Showtime” na si Ruffa Gutierrez.

Sa kanilang tsikahan, sinabi ni Ruffa na tanggap niya na away-bati lagi ang relasyon nila ng ina.

Dahil isang Bisaya, nasa naturaleza raw ni Annabelle ang pagiging prangka at mataray.

Pero, soft daw ito pagdating sa kanyang mga pamilya at mga kaibigan.

Loyal din daw ito at talagang handang ipagpatayan ang kanyang itinuturing na kaibigan.

Ibinuking din niya na iyong mga tweet nito sa kanyang Twitter account ay hindi raw ito ang nagsusulat dahil sa totoo lang ay hindi techie.

Idinidikta lang daw niya ito sa kanyang dyulalay ang tweets nito kaya minsan daw ay kapansin-pansin na may mga grammatical lapses ang mga ito at minsan ay hindi maintindihan.

Saludo raw naman ito sa pagmamahal nito sa kanyang ama .Talagang labis ang pag-aasikaso sa kanyang esposo lalo na noong panahong nagkasakit ang kanyang Daddy.

Pagdating sa diskarte sa pagpapalaki ng mga anak, mahigpit din siya pero nasa tamang lugar daw ito.

Binibigyan daw niya ng independence ang kanyang mga anak tulad ni Lorin na nakatira abroad.

Speaking of her love life, ayaw raw niyang bigyan ng label ang relasyon nila ng dating QC Mayor Herbert Bautista.

Kung tutuusin daw ay hindi ito ang tipo niya dahil she goes for the tall, dark, handsome and Mediterranean type.

Basta sa kaso raw ni Bistek, nagi-enjoy sila sa company ng isa’t-isa.

Wala pa rin daw siyang balak mag-asawa pero alam niyang darating din ang panahong magkakaroon siya ng katuwang sa kanyang pagtanda at hindi raw niya masabi kung si Herbert iyon.

Naniniwala kasi siyang may nakatakda talaga para sa kanya ang Diyos.

Tungkol naman sa kontrobersyal na post niya noon, nilinaw niya na generic daw ang kanyang mensahe at hindi pasaring ito kay Kris Aquino.

Matatandaan kasing sa kasagsagan ng panawagan ni Kris na huwag iboto si Herbert, nagpost si Ruffa ng makahulugang mga salitang “Be kind to everyone, including your ex.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.