Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa, Ellen hindi type `pulutan’ si Lloydie

0 99

Natanong din kay Ruffa ang tungkol sa romansang Derek Ramsay-Ellen Adarna since matatandaang nag-post siya ng dinner nila last January na naging dahilan ng pagkaka-link ng dalawa.

“Actually, cute silang tingnan!” ani Ruffa. “Yeah, cute silang tingnan, they’re both single. Why not, di ba?

“Actually, nagsimula ‘yun one day before nag-post kami. So, ‘yung post na ‘yun, parang umpisa pa lang ‘yun.”

Pagkatapos ng dinner na ‘yun ay nagkaroon pa ulit ng another dinner sina Derek and Ellen at sey ni Ruffa, ayaw naman daw niyang maging 3rd wheel parati kaya hinayaan na niya ang dalawa.

Marami rin ang mga netizen na tumukso sa kanila ni Derek since may something in common sila ni Ellen at ito ay pareho silang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz. Ano ang masasabi ni Ruffa rito?

“Alam mo si Derek, masarap na kaibigan, masarap na barkada. ‘Yun lang. I enjoy his company and I think, he’s a really, really good friend to have.

“Si Ellen naman, super-sayang kasama and happy lang siya, full of life, she’ so funny. And hindi namin napag-uusapan ‘yung mga ex namin,” sagot ni Ruffa.

At dahil single siya ngayon, wala raw siyang date nitong katatapos lang na Valentine’s Day. Busy raw siya dahil naghahakot sila ng mga gamit since kalilipat nga lang nila sa lugar nila Derek.

Gutierrez nahiya kay Bistek

Dahil single ngayon si Ruffa Gutierrez (she just got out from a 7-year relationship with Jordan Mouyal), ang daming nali-link ngayon sa kanya at isa na nga rito si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Nakasama ni Ruffa si Bistek sa katatapos lang na serye nila with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla na House Arrest of Us. Mag-asawa ang role nila at doon nagsimula ang tuksuhan sa kanilang dalawa.

“Bakit ba kami natsitsismis? Nakakaloka! Siguro lahat ng mga tao na-type-an ‘yung team-up namin na unexpected for The House Arrest of Us, kasi ang daming nagme-message sa amin na mga fans, naku-kyutan sila sa amin na pwede pala, height doesn’t matter, kaya tuloy ‘yung mga may crush sa akin na mas medyo maliit sa akin, biglang nagkaroon ng pag-asa,” natatawang sey ni Ruffa kahapon sa post-Valentine’s Day tsikahan with the entertainment press.

Wala raw ligawan na nangyayari sa kanila at ang tingin daw niya kay Bistek ay mentor and professor.

“In terms of kami ba ni Mayor at kung may romantic feelings, ayokong pag-usapan ang ganyan kasi wala pa ako sa stage na ganyan, and si Mayor maraming responsibilities sa buhay niya.

“Kung close kami, yes, close kami, he’s my mentor and I enjoy his company. So du’n lang muna,” she said.

Natanong din siya kung ready ba siyang maging stepmother since may mga anak nga si Bistek pero very much single pa rin naman and never been married.

“Grabeeh talaga! Oh my God!” natatawang tili ni Rufa.

“Hindi ko pa naiisip ‘yun, kasi, wala pa ‘kong naging karelasyon, lately ha, not in my youth, na may mga anak. It’s always been I’m the center of their world. So, hindi ko pa naiisip ‘yun, hindi ko pa nai-envision or nai-imagine ‘yun.

“Kasi, para sa akin, in love, you know if it happens, it happens, but wala pa sa utak ko ‘yun,” sey ni Ruffa.

Natatawa niya pang dagdag, “’kakahiya naman kay Mayor, ano ba ‘yan? Parang napaka-deep naman ng mga questions n’yo!”

Anyway, ibinalita ni Ruffa na may ipini-pitch daw sa kanilang project ni Bistek ang hopefully raw ay matuloy. Wish din niya na magkaroon ng season 2 ang House Arrest of Us since marami rin nga ang nagre-request nito.

Sa ngayon ay katatapos lang ni Ruffa ng Stay In Love na serye niya sa TV5 na incidentally ay ngayong gabi ang finale episode.

May upcoming teleserye raw siya na sisimulan sa April pero hindi pa raw niya pwedeng sabihin ang detalye pero sobrang excited daw siya.

“It’s a great project, all-star-cast. I’m excited!” sambit ni Ruffa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.