Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa high blood sa contestat ng ‘Showtime’

0 195

Na-high blood si Ruffa Gutierrez sa isang contestant ng Reina ng Tahanan sa It’s Showtime kahapon kung saan ay isa siya sa judges along with Janice de Belen and Amy Perez.

Ikinaimbiyerna ni Ruffa na malamang hindi sinusuportahan ng contestant na si Marilyn Lagsa ang kanyang mga anak na may sampung taon nang nakatira sa kanyang ina.

On-air kasi ay nakiusap ang ina ni Marilyn na magbigay naman ng sustento sa kanyang mga anak dahil pandemic ngayon at hindi sila nakakapagtinda ng buko salad.

“Wala po kaming masyadong kinikita. Ang kinikita po namin, pang-ulam, bigas, pang-araw-araw na budget,” ang umiiyak na sabi ng ina ni Marilyn.

Dahil sa awa nina Vice Ganda at Kim Chiu sa ina ng contestant ay nag-pledge sila na tulungan ito.

Si Vice ay magpapadala ng bigas habang si Kim naman ay tatlong buwang groceries ang pledge.

Nang mahingan na ng comment si Ruffa, talagang hindi niya napigil ang sarili at tinalakan ang contestant.

“Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si ate Janice at si Ate Amy. Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 yrs na hindi mo sinusustentuhan. Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo,” litanya ni Ruffa sa contestant.

Pinangaralan din niya ito at sinabihang kunin na ang mga anak sa nanay nito.

“Alagaan mo sila kasi anak mo sila, eh. Hindi naman sila anak ng nanay mo. Okay lang na magbigay ka ng anak sa nanay na mayaman. Pero ‘yung nanay mo, nakikita mo hirap na hirap na siya. So, please take care of your kids at kunin mo na sila,” payo ni Ruffa.

At dahil naawa rin ang tatlong judges sa nanay ng contestant ay nag-pledge din sila ng ayuda rito.

Sa sobrang pagka-imbiyerna ay nag-tweet pa si Ruffa habang ongoing ang show.

“Nakaka BADTRIP. Love your children. Nurture them, care for them, DO NOT ABANDON THEM,” ang tweet ni Ruffa.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Maging ang mga netizen ay nagulat sa pagtataray ni Ruffa pero agree naman sila.

“Na highblood talaga si Lady

@iloveruffag kay Reinanay #2 and I totally agree with Ms.Ruffa’s comments to the contestant. Napatigil kami sa lunch namin at napatingin na lang sa tv,” komento ng isang netizen

Ex ni Rabiya nag-audition sa PBB

Viral ngayon ang video ng audition sa Pinoy Big Brother ng ex-boyfriend ni Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Neil Salvacion.

In-upload ni Neil sa Kumu ang kanyang 1-minute audition entry na ipinakikilala ang sarili at kung bakit siya dapat mapili bilang housemate sa bagong season ng PBB.

Sa video ay makikitang nakasuot ng medical scrubs si Neil bilang isang frontliner.

“Ako po ay isang COVID nurse na dapat ay mag-a-abroad pero mas piniling manilbihan dito sa bansa bilang isang frontliner. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang buhay ko po ay hospital-bahay. Minsan, masisilayan mo ang huling hininga ng mga pasyente. Ito at iba’t ibang hugot sa buhay ang aking maiaambag sa PBB Kumunity — kung paano ang buhay ng isang frontliner,”

Dumating ang panahon na bawal kang lumapit sa mga mahal mo sa buhay dahil hindi mo alam kung positive or negative ka, kailangan mo mag-isolate,” ani Neil sa video.

Nagbigay rin ng maikling saloobin ang ex ni Rabiya tungkol sa kanilang paghihiwalay.

“Nakakalungkot man mag-isolate ng ilang buwan, mas nakakalungkot pala maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona. Coronavirus o korona sa patimpalak ay ilan lamang sa mga hamon sa aking buhay. It’s about time for me to share my story, how I conquered them, and how will I inspire other people,” pahayag ni Neil.

Pagtatapos pa niya, “bagong bahay, bagong buhay, bagong mga hamon sa buhay. Muli, ako po si Neil Salvacion, 27, ang frontline-nurse ng Iloilo City.”

Matatandaang kinumpirma ni Neil ang break-up nila ni Rabiya nitong nakaraang June. Tumagal ng 7 years ang kanilang relasyon at siya ang first boyfriend ng beauty queen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.