Abante Tonite Interactive

Ruffa imbitado sa wedding ng dating asawa

2,711
tonite-pak-allan-dionesIkakasal pala ang dating asawa ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas at imbitado si Ruffa sa kasal nito.
Kuwento sa amin ni Tita Annabelle Rama, nakatanggap ng imbitasyon si Ruffa pero wala itong balak dumalo sa wedding ng Turkish ex-husband nito.
Ang nagbabalak lumipad pa-Turkey para dumalo sa kasal ay ang dalawang anak ni Ruffa kay Yilmaz na sina Lorin at Venice, na nagdadalaga na pareho.
Hindi pa sure si Tita Annabelle kung matutuloy ang dalawang bagets na ayaw samahan ni Ruffa, kaya ang suggestion namin ay siya na lang ang mag-join sa mga apo niya sa Turkey.
“Naku, ‘Day! Hindi ako type makita ni Yilmaz! Baka hindi na ako makalabas ng Turkey ‘pag pumunta ako du’n!
“Galit sa akin ‘yun, ‘Day! Feeling niya, ako ang dahilan kaya sila naghiwalay ni Ruffa!” natatawang bulalas ni Tita Annabelle.
Kung si Yilmaz ay ikakasal na sa iba, si Ruffa naman ay 4 years nang masaya sa piling ng French-Israeli boyfriend nito na si Jordan Mouyal.
Natawa kami sa observation ni Tita Annabelle na parang Yilmaz din si Jordan dahil kaboses ito, kasimpayat at katulad manamit ng dating mister ni Ruffa.
May happy news nga pala si Tita Annabelle dahil back to work na si Tito Eddie Gutierrez, na okey na ang inoperahang mga tuhod.
Nagustuhan ni Tito Eddie ang in-offer na role ng GMA, kaya puma­yag itong gumanap bilang tatay nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa dramaseryeng ‘Cain at Abel’.
Matagal ding ininda ni Tito Eddie ang pananakit ng kanyang tuhod bago siya nagpaopera, kaya masaya si Tita Annabelle na nagti-taping na ulit ang kanyang loving husband.
***
 

KathNiel nagtatalo sa kasal

Hindi lang biruan kundi seryosohan nang napag-uusapan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pagpapakasal.
Since hindi na nila kayang mawala ang isa’t isa, nai-imagine na ni Daniel na si Kathryn ang magi­ging wife niya.
Ang sabi sa amin ni DJ ay ayaw niyang late magpakasal, gusto niya ay before siya mag-30 years old. At ganu’n din ang gusto ni Kath, mga 28 years old.
Ang problema ay magkaiba ang dream wedding nilang dalawa. Si Kath ay beach ang gusto at intimate lang. Si Daniel ay sa simbahan na lahat ng fans nila ay imbitado.
Katwiran ni DJ, deserved ‘yon ng KathNiel fans dahil nasaksihan ng mga ito ang journey nila mula simula.
Pero natatawang hirit ni DJ, hindi ibig sabihin ay may pictorial ang mga fan doon sa wedding nila. Wala raw, nandu’n lang ang mga ito para manood.
Dayalog namin sa KathNiel, puwede namang dalawa ang kasal nila, isang intimate lang at isang big wedding. Ani Kath, ‘yun din ang napagkasunduan nila para mag-meet sila halfway.
Nagtatalo pa raw sila ngayon, pero poproblemahin na lang nila ito ‘pag malapit na.
Sey ni DJ, kulang pa ang budget niya para magpakasal. Pakli naman ni Kath, kailangan pa nilang mag-ipon dahil baka mahimatay ang mama niya.
Chill daw muna dahil matagal pa ‘yon, sabi ng mga bida ng ‘The Hows of Us’.
***

Topless ni Benjamin pampagising sa umaga

Pampagising sa umaga ang shirtless scenes ni Benjamin Alves sa Kapuso soap na ‘Kapag Nahati ang Puso’.
Bet na bet ng mga viewer ang mga pa-pandesal ni Benjamin sa morning serye na pinagtatambalan nila ni Bea Binene.
Maging ang mga post ni Ben sa social media ay inaabangan ng mga follower niya, lalo na kung litaw ang kanyang abs.
Napapanood ang ‘Kapag Nahati ang Puso’ araw-araw bago mag-‘Eat Bulaga’.