Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa inurot ng baby #3 sina Richard, Sarah

0 234

NI: Vinia Vivar

Mistula ngang nagha-honeymoon ngayon ang mag-asawang Richard Gutierrez and Sarah Lahbati sa El Nido Palawan.

Makikita sa mga post ni Sarah ang mga sweet bonding moments nila ni Chard na as usual may mga kissing photos pa na nagiging trademark na yata nila.

Sa isang short video nga nila ay makikitang nagre-relax si Chard sa pool, lumapit si Sarah at nag-kiss sila at mukha naman talaga silang bagong-kasal.

SM food to go Banner Ad

“Nothing like slow days with you,” caption ni Sarah.

Ang nasabing vid ay pinusuan ng mga netizen at pati nga si Ruffa Gutierrez ay napa-comment. Kinantiyawan niya ang mag-asawa ng baby number 3.

“Woohoooo!! Helloo baby number 3!” komento ni Ruffa.

Nagreply naman ng laughing emoji si Sarah.

Leave A Reply

Your email address will not be published.