Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa kinabog si Garin

0 1,230

May gustong patahimikin si Ruffa Gutierrez.

“OMG. Shut up already! Pang best actress award ANG acting,” tweet niya.

Walang binanggit na pangalan si Ruffa.

Gayunman, inulan ang tweet niya ng komento ng mga netizen na binabatikos si Iloilo Representative at dating Health secretary Janette Garin.

“Jusko garin naman. mag resign k na lang. kalookahhh,” sey ng isang netizen.

“Hahaha kinabog ka Ruffa hehe may luha din siyang pinatak kanina sa hearing,” ayon pa sa isa.

“Pavictim si Garin,” sambit ng isa.

Sa pinakahuling pagdinig ukol sa franchise renewal ng ABS-CBN, emosyonal na sinabi ni Garin na “irresponsible” ang pag-uulat ng Kapamilya network tungkol kay dating health spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy sa kasagsagan ng Dengvaxia controversy.

Source aniya ng “public health misinformation” ang ABS-CBN, at giniit na ang pag-uulat ng TV network ang isa sa mga dapat sisihin sa kawalang-tiwala ng mga Pinoy sa bakuna. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.