Abante Tonite Interactive

Ruffa, muntik na namang maiwan ng eroplano

153

PAREHONG nasa Italy­ ngayon ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez dahil pareho silang a-­attend sa kasal nina Cristalle Belo at Justin Pitt sa Como.

Pero nasa magkaibang lugar sa Italy ang magkapatid.

Si Ruffa ay noong linggo lang dumating sa Milan.

Si Raymond ay ga­ling sa kasal nina Isabelle Daza at Adrien Semblat noong Sabado sa Arezzo­ at kasalukuyang nasa Florence kasama si San Vicente, Palawan Mayor Pie Alvarez (dalawa sila na lagare ng kasal).

Sabi ni Ruffa, bukas­ na sila magkikita ni Raymond­ sa Como.

***

Noong Linggo ang 12th birthday ng bunso ni Ruffa na si Venezia Loran Bektas o Venice.

Noong Sabado naman ang flight ni Ruffa pa-Milan at pumayag si Venice na magkaroon na lang siya ng advance ce­lebration a week before her ­actual birthday.

Noon pa nila pinag-usapang mag-ina ang tungkol doon at nag-agree si Venice dahil alam niya na paalis ang kanyang nanay.

Noong una, magbabakasyon sana ang mag-ina kasama si Lorin sa Palawan, pero dahil nagbakasyon na sila sa Ibiza,­ naiba na ang plano.

Noong Sabado na araw ang alis ni Ruffa, maaga pa lang ay kasama na niya ang kanyang bunso at nag-shopping sila.

May wish list kasi ang anak para sa birthday­ nito at dahil masipag sa pag-aaral si Venice,­ pina­mili muna siya ni Ruffa.

Syempre, dahil luma­bas pa ang mag-ina, muntik na namang ma-late si Ruffa sa kanyang flight, huh!

Last to check-in siya, kaya ang dialogue ni Tita Annabelle Rama, “What else is new?

Lumang ba­lita na ‘yan kapag naiwanan ng eroplano si Ruffa!”

***

Ang bilis talaga ng panahon! 30 years na pala sa showbiz si Vina Morales!

And to celebrate her 30th showbiz anniversary, may concert siya sa KIA Theater, ang Vina@30 na prodyus ng kaibigang si Pops Fernandez.

Sobrang close sa isa’t isa sina Vina at Pops, kaya hindi nakakapagtaka na prinodyus ng original concert queen ang anniversary show ni Vina.

Palagi silang magkasama, kaya nang mapag-usapan nila na gusto ni Pops na magprodyus ng kanyang concert ay tamang-tama at magse-celebrate si Vina ng 30th year sa showbiz at ang bunga ay ang Vina@30 sa Oktubre 14.