Abante Tonite Interactive

Ruffa nai-i-stress sa John Lloyd-Ellen kasal

Ruffa Gutierrez
4,311

AYAW makisawsaw ni Ruffa Gutierrez sa issue na ikakasal na ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna.

Pero hindi pa rin maiwasang usisain, kulitin ang actress/TV host tungkol sa bagay na ‘yon kapag iniinterbyu siya ng press, kaya nakakaramdam din siya ng stress.

Pero sabi nga ni Ruffa, hindi naman siya ‘yung huling ex-girlfriend ng aktor, kaya hindi na niya gusto pang magkomento sa bagay na ‘yon. Wala raw siyang dapat ipag-react tungkol sa balitang ‘yon.

Pero as a friend naman, ang wish niya kay John Lloyd ay ang maging happy ito.

Samantala, wala sa isipan ngayon ni Ruffa ang tungkol sa pagpapakasal kahit sabihing matagal-tagal na rin ang relasyon nila ng boyfriend na si Jordan Mouyal.

Hindi lang naman kasi kay Jordan naka-focus ang attention ni Ruffa ngayon kundi pati sa mga anak niyang sina Lorin at Venice na parehong teenagers na ngayon.

Tinututukang mabuti ni Ruffa ang studies ng kanyang mga anak. Sinisigurado ni Ruffa na magaganda ang grades ng kanyang mga anak.

At maging ang lola nina Lorin at Venice na si Annabelle Rama ay tutok din sa studies ng dalawa. May pagka-spoiler nga lang si Bisaya dahil may premyo pa ang kanyang mga apo kapag magaganda ang grades ng mga ito.

Lovi, Max, Rhian ayaw paawat sa tarayan

NAG-INVITE kahapon ng press preview para sa The One That Got Away si Ms. Hazel Abonita, ang program manager ng bagong primetime series ng GMA 7 na magpa-pilot telecast na sa Monday.

Ang The One That Got Away nina Lovi Poe, Max Collins, Rhian Ramos at Dennis Trillo ang papalit sa timeslot ng My Korean Jagiya na nagtapos na kagabi. In fairness, aliw ang first episode ng The One That Got Away na pinanood namin. Lalo na kapag nagkikita-kita ang tatlo, na kanya-kanyang eksena at pasimpleng tarayan.

Nakakatuwa ang nasabing series na tama lang na ipalit sa binakanteng timeslot ng katatapos lang na series ni Heart Evangelista.

Karamihan sa mga eksenang napanood namin ay si Direk Maryo J. delos Reyes pa rin ang nag-handle, pero on leave pala siya sa nasabing series bilang direktor.

Sabi ni Ms. Hazel, si Direk Maryo raw mismo ang nag-request na makapag-leave at hindi lang siya sigurado kung kailan ba ito babalik sa The One That Got Away.

Pero hindi naman daw on leave si Direk Maryo bilang direktor ng Magpakailanman dahil ito muna ang regular na humahawak sa nasabing weekly drama anthology ng Kapuso network.

Anyway, sa episode na napanood namin kahapon, mukhang winner naman ang The One That Got Away!

#paMORE inaabangan sa Cebu, Davao

BIBILIB ka kina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos at Regine Velasquez-Alcasid dahil pati production meeting para sa pre-Valentine concert nila sa MOA Arena on February 10, ang #paMORE, ay sinisipot nila, huh!

Malayo nga ang apat sa iba na usually ay ang handlers o RM (road managers) lang nila ang ipinapadala sa mga ganoong meeting.

The other day nga, masaya ang apat sa kanilang production meeting with the producers and staff ng #paMORE dahil mas marami pa silang ideas na maisasama sa concert.

Eh, maraming nai-suggest sina Martin, Ogie, Erik at Regine, kaya naman tuwang-tuwa ang producers nila na sina Anna Puno at Cacai Velasquez-Mitra.

Sigurado kasing mas magandang concert ang mapapanood ng mga bibili ng #paMORE dahil sa mga suggestion ng apat na isasama naman nina Anna at Cacai sa kanilang concert.

“Ngayon, alam mo na kung bakit paborito namin ni Cacai ang apat na ‘yan?!” sey sa amin ni Anna.

In fairness nga pala, selling like hotcakes ang tickets ng #paMORE. May mga nagsa-suggest nga pala na sa mismong Valentine day ay gumawa sila ng #paMORE sa Cebu or Davao, pero hindi naman puwede dahil after pala ng February 10 concert nila sa MOA Arena ay aalis na si Martin pa-Hawaii para sa 3-night, 6 shows niya sa Blue Note.