Abante Tonite Interactive

Ruffa pakakawalan ang anak

0 430

CELEBRITY TALK
Aster Amoyo

Hindi makapani-wala si Ruffa Gutierrez na pansamantalang mapapawalay sa kanya ang eldest daughter niyang si Lorin Gabriella Gutierrez Bektas.

Turning 16 siya on August 3 na magiging independent at an early age dahil gusto nitong mag-aral this summer (in the US) ng pre-college course related to economics and business.

Ang dalawang anak (Lorin at Venice) ni Ruffa sa Turkish ex-husband niyang si Yilzmaz Bektas ay parehong isinilang sa Amerika making them American citizens.

Si Lorin umano ang may gusto na sa Amerika mag-aral ng college at mukhang wala sa showbiz ang attention nito.

Hindi man gusto ni Ruffa na mawalay sa kanyang panganay at an early age, suportado niya ang wish nitong mag-aral sa Amerika. Tiyak ding malungkot ang grandparents ni Lorin na sina  Rama at Eddie Gutierrez pero dadalawin naman nila ang kanilang apo sa Amerika every once in a while. Meron silang condo unit sa Beverly Hills, California.

Aicelle balik- ‘Eat Bulaga’

Nakabalik na sa bansa ang Traffic Diva na si Aicelle Santos mula sa kanyang year-long engagement sa United Kingdom para sa successful tour ng “Miss Saigon.” Bumalik na rin siya sa longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga” na kanyang muling sinimulan last Sa-turday, July 6.

Samantala, hindi pa rin nagbibigay ng detalye si Aicelle tungkol sa kanilang napipintong pagpapakasal ng kanyang fiancé, ang dating news reporter ng GMA na si Mark Zambrano.

Si Mark ay nag-propose kay Aicelle nu’ng March 7, 2018 bago umalis ang huli patu-ngong UK. Nu’ng nakaraang March naman ay nagkaroon ng pre-nup shoot ang engaged couple sa Switzerland du-ring the break ni Aicelle sa “Miss Saigon” tour.