Abante Tonite Interactive

Ruffa sa Barretto sisters: Magbati-bati na kayo

0 207

Tagumpay ang in-organize na Halloween party ni Raymond Gutierrez na dinaluhan ng buong pamilya nila. Proud naman si Ruffa Gutierrez sa kanyang nakababatang kapatid dahil sa magandang kinahinatnan ng proyekto na may temang “Opulence: Let Them Eat Cake”.

Bongga ang entrance ni Ruffa at nagbihis bilang Reyna ng France na si Marie Antoinette. Ang Halloween party ay para na ring selebrasyon ng kaarawan ng ilaw ng tahanan na si Annabelle Rama.

Sa mismong event, nagbigay ng komento si Ruffa tungkol sa relasyon niya sa magkakapatid na Barretto. Nilinaw niya na wala siyang kaaway sa magkakapatid.

Nadawit man ang pangalan niya sa kontrobersyal na pagtatalo ng Barretto sisters, hiling pa rin niya na magkaayos ang magkakapatid.

Matatandaan na nagkomento siya sa larawan ni Julia Barretto at dito na nagkaroon ng malisya kay Gretchen. Naungkat muli ang “Take it take it scam” na kinasangkutan ni Ruffa at ng kanyang ina sa Manila Film Festival noong 1994.

Mensahe ni Ruffa sa magkakapatid na magbati-bati na sila dahil close naman talaga noon ang pamilya nila.

Aniya, “So like everyone else, we’re hoping na magka-bati bati sila one day.” (Rona Ronda)