Abante Tonite Interactive

Ruffa sinita sa load si Lorin

674

By Archie Liao

Marami ang natuwang mga netizen nang mag-guest sina Ruffa Gutierrez at ang dalaga nitong si Lorin sa “Minute to Win It.”

Aliw daw kasing panoorin ang dalawa lalo na nang tanungin sila ng host nitong si Luis Manzano kung anong type nilang movie na palagay nila ay babagay kung sakaling magsasama sila.

Sinagot ni Lorin na isang dramedy raw.

Ibinuking din nito ang pagiging mahigpit ng ina kung saan kahit pang-load ay sinisita pa nito.

Nang tanungin naman si Ruffa kung ano ang ginagawa nito sa talent fee ni Lorin dahil kumikita na ito, sinabi nitong ibinibigay niyang lahat ito sa anak.

Pinabulaanan naman ito ni Lorin pero sa halip na ma-annoy, marami ang nakyutan sa away ng mag-ina.

Sey pa ng mga netizen, para raw si Lorin si Ruffa noon samantalang si Ruffa ay nag-aastang Annabelle Rama.

Dahil dito, viral sa social media ang mag-ina.