Abante Tonite Interactive

Ruffa tayong-tayo at hindi pa lawlaw ang boobs

By
7,774

IMPORTANTE kay Ruffa Gutierrez ang pagsalubong niya sa 2018 dahil ngayon pa lang ay inihahanda na ng aktres ang kaniyang beauty.

Ayaw ni Ruffa na salubungin ang Bagong Taon na haggard ang kaniyang mukha dahil sa nabawas niyang timbang.

Base sa video ni Dr. Vicki Belo sa kaniyang Instagram wall, gusto raw ni Ruffa na magmukhang bata at glowing­ sa pagsalubong ng 2018 kaya naman isinalang niya sa isang klase ng botox ang aktres.

Abante Hiring – IT dep

Kung tutuusin wala namang trace na mukhang haggard ang aktres dahil maganda naman ang itsura niya.

Samantala, seksing-seksi pa rin si Ruffa kahit hindi ito mag-pose ng full shot bikini photo niya sa pool o sa tabing dagat. Makikita na hanggang ngayon ay makamandag pa rin ang kaniyang kaseksihan.

Sa selfie photo ni Ruffa sa IG niya na suot ang isang pink low-neckline na parang one piece bathing suit, medyo sumilip ang boobs niya dahil mababa nga ang neckline ng suot niya.

In fairness, kahit dalawa na ang dalagitang anak ni Ruffa, mukhang buong-buo at tayong-tayo pa rin ang kaniyang dibdib.