Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruffa type dyowain sina Vico, Ian, Ricci

0 323

NI:ARCHIE LIAO

Nagkatuwaan ang ilan sa cast ng isang series sa TV5 na kasama si Ruffa Gutierrez.

Sumalang sila sa usong “Jojowain o trotropahin” challenge. Nagbanggit si Maris Racal ng mga prospect.

Na-upload ang nasabing video sa vlog ng young actress na ini-share naman ni Ruffa sa kanyang Instagram.

Ayon kay Ruffa, type niyang dyowain sina Ricci Rivero, Ian Veneracion, Vico Sotto at Daniel Matsunaga.

Trotropahin naman niya sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Dingdong Dantes, Empoy, Derek Ramsay, Tony Labrusca, JC de Vera, Daniel Padilla at iba pa.

Tapos na raw siya kina John Lloyd Cruz, Aga Muhlach at Zoren Legaspi na dyinowa na raw niya.

Kamakailan lang ay naging kontrobersyal si Ruffa nang aminin niya sa isang virtual mediacon na single na muli siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.