WebClick Tracer

Rui Hachimura nanalanta, Japan tinimbuwang Saudi

ABANTE TONITE

Humarabas ng 29 points si Rui Hachimura at kumbinsidong tinalo ng Japan ang Saudi Arabia 106-78 sa window 4 ng 20th FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers sa Jeddah.

Flawless si Hachimura sa unang laro niya sa Japan national team sapul noong 2024 Paris Olympics.

Tingnan: Pasok ang unang anim na tira, naka-18 points na sa walang sablay na shooting sa halftime.

Pinuno niya ang score sheet sa statline na 11 of 14 field goals, tatlong 3-pointer, 2 steals.

No. 2 sa Group F ang Japan sa 5-2, sa likod ng 6-1 Lebanon. No. 2 ang China (4-3), sunod ang Qatar (4-3), Saudi Arabia (3-4) at Korea (3-4).

Kung ganito ang ilalaro ni Hachimura sa parating na NBA season, jackpot ang Los Angeles Clippers sa kanya.

Binitawan ng Lakers ang big man nitong offseason, hindi siya umalis ng LA dahil sinalo agad ng Clippers.

Solido rin ang 28-year-old sa huling season niya sa purple-and-gold.

Nag-average ang 6-foot-8 forward ng 11.5 points, 3.3 rebounds sa 68 games, tumira ng 51.4 percent clip mula sa field at 44.3 percent galing downtown.

Mas maangas ang inilaro niya sa playoffs sa isinumiteng 17.5 points, 4 boards, 1.7 assists per outing.

Kung matutuloy ang balik ni Kawhi Leonard sa Toronto Raptors, si Hachimura ang isa sa inaasahang sasandalan ng Clippers. (Vladi Eduarte)