Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rule kampay na sa Tokyo

0 76

Sisisid na si Remedy Rule sa Summer Olympics 2020 swimming women’s 100-meter butterfly event sa Tokyo Aquatics Centre sa Japan ngayong Sabado ng gabi.

Kasado ang 24-year-old Fil-Am tanket sa Heat 2 ng kumpetisyon kung saan top 16 lamang ang ga aabante sa semifinals sa Linggo. Nasa 34 ang mga kalahok.

“I’m very happy for her that she has reached this level,” sambit ni Philippine Swimming Inc. president Lailani Velasco. “If I’m excited, she’s more excited.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakapagensayo Biyernes ang 2019 Southeast Asian Games silver at bronze medalist kasama si coach Sherwin Santiago.

Naitala ni Rule ang best record niyang 59.55 segundo sa Elite Invite tournament sa Texas. Lalangoy rin siya sa 200m freestyle rito.

Sa Martes pa eeksena si Fil-Kiwi Luke Gebbie para naman sa men’s 100m at 50m free events sa Linggo at Biyernes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.