Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rumaket kay Sancebuche

0 55

Raket raket muna!

Habang hindi pa bumabalik sa aksiyon si volleyball player Alyssa Valdez, nagsilbi muna siyang personal mentor ng sikat na YouTuber na si Jeremy Sancebuche o mas kilalang ‘Mimiyuuuh’.

Makikita sa Twitter account ng vlogger Lunes na tinuturuan siya ng Premier Volleyball League (PVL) veteran na lumalaro sa Creamline Cool Smashers.

“Learn the different types of volleyball setting with greatest volleyball player of all time, mimiyuuuh! xhnz!!,” tweet ni Mimiyuuuh kasama ang video ng training. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.