Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rumaket sa shabu, senior citizen dakma

0 84

Mahigit sa 20 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang sa mahigit 44 gramo ang nakumpiska sa 4 na mga tulak ng droga kabilang ang isang senior citizen sa magkahiwalay na lungsod sa Nueva Ecija kahapon ng umaga.

Sa mga ulat sa tanggapan ni PCol. Marvin Joe Saro, OIC provincial director, ang naaresto ay sina Teresita Santos Aguba, 65, biyuda; Jamin Cariño Victory, 63, kapwa taga-Cabanatuan City; Roneo Aribe Reyes, 40, at Jobert Garcia Pilo, 30, kapwa taga-Gapan City.

Nabatid na madaling araw isinagawa ang buy bust operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at PPDEU, NEPPO sa Brgy. Camp Tinio, at nahulihan sina Aguba at Victory ng 18 sachet ng shabu na may timbang na 43.26 gtamo na nagkakahalagang P294,000.00.

Mga operatiba naman ng Gapan City ang nakasakote kina Reyes at Pilo na nakunan ng 4 na sachet ng shabu. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.