Abante Tonite Interactive

Rumatrat kay Anne, sinopla

By
2,814

Belat nga sa isang basher ni Anne Curtis na alam mong gawa-gawa lamang ang pangalan at ni hindi totoo ang la­rawang kanyang ibinabalandra sa Twitter.

Ang hanash ng hitad, makapal ang mukha ni Ms. Pouty Lips dahil may pahayag ito na ang Black Pink, kinopya ang poster niya.

Ang very well written reply ni Mrs. Erwan Heussaff sa talakerang wala sa lugar, “Haha girl. That’s not what I meant. Hindi pa nga lumalabas ang poster ko. Paano ko pwede sabihin na gayahin. I’m just saying kilig kasi ALMOST same feels sa smoke. Get your facts straight first bago ka rat­rat ka ng ratrat diyan sis. And I, thank you.”

O, di ba, tumahimik na ang talakerang hitad na just like the rest of her kind, hindi kumikilos ayon sa kanilang ganda.

Saka Anne, ang mga ganiyang hanash, dapat di mo na pinapatulan pa, sa totoo lang. Dapat magnanimous ka in victory lalo na nga’t isang major, major tagumpay ang Sid and Aya, may paparating ka pang Buy-Bust na si direk Erik Matti pa ang katrabaho. Ang susunod mo namang kasangga, si Yam Laranas sa Aurora na isang horror film. Busy ka, Ms. Curtis, kaya ‘wag na pansinin ang u­ring aliping saguiguilid.

James pinatawad ni Tetay

Ang best ganap kamakailan, ang panalong chikahan nina Kris Aquino at James Yap Jr. na nangyari nitong Araw ng Mga Ama.

Ang mga paglalahad niya sa Facebook Live was like a breath of fresh air, lalo na ‘yung sinabi niya kay Junior na, “When the time comes you are actually ready, please don’t ever feel na si Mama ang nagpi-prevent sa iyo. Don’t feel na I’m the one, ha? Na it’s out of loyalty for me or anything like that, because your Mama is ready.”

Sabi pa ni Krissy sa bunso, siya raw ay maayos na ang damdamin tungkol sa ama nito at, “I had to realize that you’re lucky you have a dad alive. It’s up to him now. I hope that he will reach out.”

Pinatawad na niya nga ba si James Yap Sr.? Dama mo naman ang sinseridad niya sa kanyang sinabi na, “Doing forgiveness not because you’re doing it for another person, but you’re doing it for yourself because it’s a gift. Because ultimately, mabigat mabuhay nang may bitbit kang sama ng loob.”

Pagtatapos ni Aquino, “Hirap na hirap talaga ako sa humility. Humility is hard. But if it takes humbling yourself for your kids, do it.”

James, the ball is now in your hands. Panahon na to reach out to your Junior ngayong hindi lang bintana ang binuksan ni Kris, pati na rin pinto. Huwag ka na mag-dilly-dally pa. Sabi nga sa isang basketball shoes campaign, “Just do it!”

***

Hay naku, ang ilang netizens talaga, to the pusali level ang mga ka-cheapan. Sa tinalakan ni Pokwang, serves you right. Huwag kasing masyadong magmaganda at magmamagaling.