Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rural Bank of Caloocan kinandado ng BSP

0 131

Ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Rural Bank of Caloocan at pina-takeover na sa Philippine Deposit Insurance Corp.

Ayon kay BSP deputy governor Chuchi Fonacier, inutos ng Monetary Board na ipahinto na ang operasyon ng Rural Bank of Caloocan sa bisa ng MB Resolution 783-A nung June 24 at pinatakeover ito sa PDIC noong June 25.

Ayon sa PDIC, iisa lamang ang branch ng Rural Bank of Caloocan at matatagpuan ito sa 571A Mabini St. Caloocan City.

SM food to go Banner Ad

HIndi sinabi ng PDIC o ng BSP kung ilang depositors ang apektado at kung magkano ang mga deposito na nasa bangko.

Dahil ang utos ng BSP ay take over at liquidation, hindi na ito maaring magbukas ulit bilang bangko. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.