Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruru binasted ni Barbie

0 148

NI: ARCHIE LIAO

Naging usap-usapan ang ginawang pagge-guest ni Ruru Madrid sa TBATS nina Boobay at Tekla.

Nasalang sa hot seat si Ruru sa segment na “Feeling The Blank” at doon niya isiniwalat ang tungkol sa Kapuso actress na nambasted sa kanya.

Bagamat hindi niya pinangalanan, nagbigay naman siya ng clue na ang pangalan nito ay nagsisimula sa letrang ‘B.’

Bulalas pa niya, ilang beses daw niya itong niligawan, kasama na mga magulang nito, pero dedma lang ito sa kanyang pagpaparamdam noon.

Friends pa rin daw sila ng actress na ito na ilang beses na niyang nakasama sa mga serye sa GMA-7.

Nang lumaon, na-realize daw niya na mas okey silang magtropa kesa magdyowa.

Naging guessing game ang naging rebelasyon ni Ruru at marami ang humuhulang ang tinutukoy niya ay si Barbie Forteza na nobya ni Jak Roberto.

Matatandaang sa vlog ni Jak, sumalang ang nobya nitong si Barbie sa “Trotropahin o jojowain” challenge.

Natanong ito tungkol kay Ruru at prangka nitong sinagot na mas type niyang tropahin ito kesa dyowain.

Si Ruru ang rumored boyfriend ni Bianca Umali na ang pangalan ay nagsisimula rin sa letter B.

Leave A Reply

Your email address will not be published.