Abante Tonite Interactive

Ruru ‘di bitter kina Gabbi-Khalil

By
764

Itinanggi ng aktor na si Ruru Madrid na may something sa kanila ng kapwa aktres na si Valeen Montenegro.

Pero aminado ang aktor na crush niya ito noong mga panahong hindi pa niya pinapasok ang showbiz. Aniya, “Si Val kasi parang kapag nasa set sa SPS, parang naglolokohan-lokahan kami.”

Aminado naman siya na walang namamagitan sa kanila at tahimik ang lovelife niya ngayon.

Ano naman ang reaksiyon niya sa relasyong Gabbi-Khalil?

“Masaya po ako para kay Gab. At least nandun na siya … 19 na siya eh,” sagot ng aktor.

Tuloy pa rin naman daw umano ang komunikasyon nila ng aktres. Hanggang loveteam lang daw talaga sila pero aminado siyang minahal nila ang isa’t isa bilang magkaibigan.

Aniya, “Kasi nga hindi pa kami pwede noon kasi bata pa siya, kahit nararamdaman ko sa kaniya na mahal ko siya, eh hindi naman pepwede na maging kami.”

Pero kung musika si Gabbi sa kaniya ano siya.

“Muling Ibalik,” pagbibiro ng aktor.

Samantala, masaya naman ang aktor na siya ang napiling endorser ng pabangong Ardeur dahil mahilig daw umano ito sa pagpapabango. “Honestly, hindi ko po talaga kayang lumabas ng sasakyan ng walang pabango,” aniya.

Sinisigurado naman ni Ruru na kaakit-akit ang signature scent na mapipili niya.

Aniya, “Tipong sa unang tingin sakto lang pero habang tumatagal bumabango.”

Biniro pa ang aktor kung sino ang unang babaeng bibigyan niya ng “Ruru’s scent”.

Playing safe siya at sinabing lahat daw ay bibigyan niya since friendly siya.