Abante Tonite Interactive

Ruru ‘di mapatawad si Ken

By
817

 

Nagbida ang dalawang mahusay na aktor ng GMA Network na sina Ruru Madrid at Ken Chan sa three-part anniversary special ng Maynila na pinamagatang “Magkapatid, Magkaribal.”
Ginagampanan nina Ruru at Ken ang karakter nina Red, ang nakakatandang kapatid na nais maramdaman ang atensyon at kalinga ng kanilang ina; at Blue, ang matalino, responsable at maunawaing nakababatang kapatid.
Hindi mapaghiwalay noon sina Red at Blue. Ngunit ang kanilang relasyon ay unti-unting nagkalamat nang masaksihan ni Red ang pagkamatay ng ama dahil sa pagtatanggol kay Blue. Hindi mapatawad ni Red ang kapatid. Nagsimula na siyang gumawa ng krimen sa kanilang komunidad. Mas lumala ang kanilang hidwaan nang maging kasintahan ni Blue si Peachy (Ayra Mariano), ang dating girlfriend ni Red.
Magpatuloy kaya ang inggit na nararamdaman ni Red kay Blue? Handa bang isakripisyo ni Blue ang kanyang relasyon kay Peachy upang mapatawad ang kanyang Kuya?
Sa ilalim ng direksyon ni Phil Noble, sundan ang kanilang kwento sa anniversary special ng Maynila  tuwing  Sabado,  9:40 a.m. sa GMA.