Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruru grabe pinaghirapan: Napilay ako, napako

0 63

NI: ROLDAN CASTRO

Marami ang naintriga at nag-aabang sa bagong serye ni Ruru Madrid na “Lolong”!

“Napilay ako, napako ako, lahat po pinagdaanan na po namin kaya sana po, sana po talaga mapanood n’yo kung ano po ‘yung pinaghirapan naming,” sambit ng Kapuso aktor sa presscon.

Pinag-uusapan ang full trailer ng ‘Lolong’ na makikita ang pagiging action hero ni Ruru Mna may green eyes at kakayahang pagalingin ang sarili. May patikim din siya sa kanyang intense fight scenes!

Hinangaan din ang effects at cinematography na tiyak hindi papalampasin ng Kapuso viewers.

Dalawa ang magiging ‘babae’ ni Ruru sa serye. Ito’y sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Makakasama rin nila sa serye sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Rochelle Pangilinan, Marco Alcaraz, Mikoy Morales, DJ Durano, Paul Salas, Ian de Leon, at marami pang iba.

Tututukan ang “Lolong” simula sa Hulyo 4 sa GMA Telebabad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.