Abante Tonite Interactive

Ruru itinangging muntik masagasaan ni Bianca

0 214

Kamakailan ay may intrigang kumalat na kinasangkutan ng rumored couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Ang isyung ito ay nilinaw ni Ruru sa Havana-themed thanksgiving party ng GMA.

Lumalabas kasi na muntik na raw umanong masagasaan ni Bianca si Ruru sa isang parking lot dahil sa pagseselos nito.

Sa naging panayam sa kanya, itinanggi niya na nangyari iyon.

Aniya, “It’s better na lang ‘wag mag-comment kasi nga parang kung magco-comment ako, wala naman kasi nangyari talagang ganu’n.”

Nalulungkot din umano siya na kumalat ang ganoong klase ng isyu. Paliwanag niya, “May mga magmumukhang masama pero wala naman po talagang nangyaring ganu’n so para sa’kin it’s better na ‘wag na lang pong pag-usapan.”

Magkasabay na dumalo sa party ang rumored couple at kapansin-pansin ang sweetness nila sa isa’t isa.

Anyway, masama ang loob ng ilang malapit kay Ruru sa ginawa niyang pagdi-deny. Alam daw ng Diyos kung ano talaga ang nangyari. (Rona Ronda)