Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruru, Ken, Derrick walang binatbat kay Alden

0 121

May stamp of approval na ang brillo at galing ni Alden Richards bilang isang actor. Ang kanyang pagganap sa “Hello, Love, Goodbye,” ang may mga pribelihiyong magsupladang mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, lugod na lugod sa pagbibigay buhay niya kay Ethan. Ang resulta, best actor nomination, hindi po ba?

Kaya nga ang pangmalakasang tanong may Kapuso artistang lalaki pa ba na sisikat after him?

Isa-isahin natin. Gil Cuerva, matangkad, super model type, interesting ang pabukol sa brief. Marunong bang umarte? Alam niyo na ang sagot.

David Licauco. Masarap. Makatas. At for someone who is of Chinese stock, ayon mismo sa kanya, hindi siya belonging to the usual Asian latundan phallus size. Nararamdaman niyo ba na mat sinseridad siya sa kanyang pagganap? Next candidate, please.

Derrick Monasterio. Makisig, check. Matikas, check na check. Matipuno, triple check! At sa mga may armpit hair festish, panalo ang buhok sa kili-kili ni Monasterio. Pero bakit ganun, liuhaan ang kanyang mga pelikula sa takilya? Yung pelikula nilang pinagsamahan ni Barbie Forteza, flop. ‘Yung pinagtambalan nila ni Sanya Lopez, parang flop na flop. Eh ‘yung pinagsamahan nila ni Super Tekla, kailangan pa bang ipamukha sa kanya na super flop?

At si Ruru Madrid. Marunong umarte, tumpak! Panalo ang katawang pang-romansa, may tama ka diyan! At hindi pwedeng itanggi na magandang lalaki, siento porsiyento. Kaso may jowa, si Bianca Umali. Alam niyo na bakit kaduda-duda kung sisikat pa ba o hindi na?

Huwag na nating isama si Kristoffer Martin dahil candidate na siya sa pagiging the Who. At si Jak Roberto naman, kung hindi siya kasintahan ni Barbie Forteza, the WHO times two na ang binatang abs lang ang meron pero sa pag-arte, itanong na lang natin sa buwan.

Related Posts

Eh si Ken Chan, kung kinarir niya pa lalong pagiging “Destiny Rose” at naging sila ni Jeric Gonzales, malamang sumikat siya for several seasons, sa true lang. Sila ni Gonzales ang mas bagay-bagay at hindi kay Rita Daniela, huh!

Ayan, matous ko silang isa-isahin, magdududa pa ba kayo na si Alden Richards na nga talaga ang huling Kapuso male superstar.

Gerald sasabak sa military training

“Gripping and beautiful at may puso ang pagkakasulat,” ganito ang pagsasalarawan ni Gerald Santos sa script ni Eric Ramos para sa “Mamamasapano” na mula sa Borracho Films.

Bibigyang buhay ni Santos ang katauhan ni Christopher Lalan. Aniya: “To be handpicked by Atty Ferdie Topacio to play a key role in the movie, is a big honor..I tell you. Napakaganda nu’ng role. Si Sir Christopher is a man of great courage! Isang himala na he survived the ordeal. Yung pinagdaanan niya, sigurado ako na pakakaabangan ng mga manonood.”

Looking forward ang Thuy ng MS Saigon UK Touring production sa military training kung saan makakasama niya ang co-actor na sina Aljur Abrenica at JC De Vera.

Mukhang excited na nga si Gerald Santos na sumabak sa pagiging isang dakila at magiting na sundalo, hindi ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.