Abante Tonite Interactive

Ruru may ibang dyowa

By
Ruru Madrid
173

NANINIWALA kaming hanggang telebisyon o showbiz lang ang sinasabing closeness nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Ang basehan namin ay ang nakaraang birthday show ng comedy concert director at owner ng The Library na si Mamu Andrew de Real na ginanap 3 days ago sa Polari Music Hub, Tomas Morato, QC. kung saan kami nagso-show every Saturday.

Dumating sa kalagitnaan ng show si Ruru na hindi si Gabbi ang kasama kundi isang maganda at mestisahing babae. Hawak-hawak pa ni Ruru ang girl papasok sa loob ng music bar at hanggang sa makaupo sila sa may gilid ay hindi binitiwan ng aktor ang kamay ng kasama.

Kahit pa nga ang bumati at makipagbeso-beso sa mga staff ng Sunday Pinasaya (show sa GMA 7) ay hindi iniwan ni Ruru ang ka-date. Hindi naman nailang o nag-atubili si Ruru na batiin kami nu’ng makita niya kami habang nakatingin kami sa kanya at sa kasama.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita namin si Ruru sa isang event na may kasamang girl. Sa nakaraang birthday party ni Direk Maryo J. delos Reyes, walang karay-karay na date si Ruru maliban sa kanyang ama.

Hindi siguro akalain ng aktor na may dumalong showbiz scribe sa show at makikita na may ka-date siyang girl.

Mukhang hindi taga-showbiz ang babae dahil hindi siya kilala ng mara­ming naroon. Ni hindi rin siya bumati sa mga staff ng Kapuso network at hindi siya ngumiti sa mga taong bine-beso ng aktor.

Hindi kami pamilyar sa naging leading lady ng hunk actor na si Arra San Agustin sa Encantadia. Pero kung siya man ‘yon, dapat ay bumati siya sa mga kakilala niya sa GMA.

Palinga-linga lang ang girl na cool din naman sa crowd pero naroon lang ito sa isang table kasama ng ibang staff ng GMA 7. Kung nililigawan o ‘di kaya ay may silent romantic relationship si Ruru kay Gabbi Garcia, hindi ito magdi-display ng ibang babae sa mara­ming tao.

Related Posts

Kilala namin ang latest Asia’s Next Top Model winner na si Maureen Wroblewitz na sinasabing crush ng aktor, kaya sigurado kaming hindi ito ang date ni Ruru noon.

***

SIGURADONG mae-excite ang mga beki na nag-iilusyon sa bukol ni Matteo Guidicelli.

Nangako si Mateo na mauulit ang pagpo-pose niya sa Instagram account niya na suot ang isang skimpy trunks.

Nag-trending at nag-viral sa iba’t ibang entertainment at gay sites ang isang photo ni Matteo na nakasuot ng floral print skimpy trunks. Basang-basa pa ang aktor sa photo na noon ay kakaahon lang sa swimming pool.

Bagama’t printed ang trunks ang bukol agad ng Kapamilya actor ang na­ging sentro ng maraming comments sa IG account nito. Nagpiyesta, nagkaroon ng malisya at kinilig ang mga beki sa mga sari-sarili nilang deskripsyon sa bukol ng aktor.

Nang mabanggit namin ito kay Matteo sa interview namin sa kanya sa presscon ng The Ghost Bride, na pinagbibidahan ni Kim Chiu, natawa ang aktor sa kapilyuhan niya sa pagpo-post ng sexy.

Sabi namin kay Matteo, aliw na aliw ang mga bakla sa kanya.

“Sige ulitin natin. Gusto mo next week?” sabay tawa nang malakas.

Sabi pa ni Matteo, okey lang na pagpantasiyahan siya ng mga beki o female fans, basta masaya ang mga ito sa nakikita nila.

Oh, ayan mga bading, abangan ninyo na lang ang muling pagpo-post ni Matteo ng kanyang bukol sa social media.