Abante Tonite Interactive

Ruru nag-audition na dubber

By
1,019

Hindi ikinahihiya ni Ruru Madrid na talagang nag-audition pa siya para maging dubber sa anime series na ‘Barangay 143’, the first-ever Filipino Anime series na co-produced between Synergy88, TV Asahi (Japan) and August Media Holdings (Singapore) na malapit nang mapanood sa GMA-7.

Si Ruru ang napili para magboses ng karakter ng bidang si Wax sa nasabing anime series.

Ayon sa Kapuso actor­, fan na fan daw siya ng a­nime at ng basketball kaya nang sinabi raw sa kanya ang tungkol sa projec­t na ito, na-excite na raw siya agad.

“When I auditioned for this role, nung binabasa ko pa lang ang script, umiyak ako. . . sa eksena. May isang eksena du’n na basta nakakaiyak siya, hindi pwedeng sabihin, so, sabi ko, ‘siguro ito na ‘yung kailangan kong ipakita para makuha nila agad ako,’” kuwento ni Ruru sa grand launch ng Barangay 143.

Actually, hindi naman daw bago kay Ruru ang pagda-dub ng boses dahil nagboses na rin daw siya sa dating anime at mga series na Bleach.

“It was really hard kasi at that time, parang I was 15 years old pa lang. Iba pa ‘yung voice ko, hindi pa ganito, pumipiyok-piyok pa yata,” natatawa niyang kwento.

Ayon pa sa aktor, sobrang happy siya na ma­pasama sa project na ito lalo pa’t collaboration ito ng Japan at Philippines.

Ang Barangay 143 ay isang feel-good coming of age na kuwento ng isang young Korean boy na dahil sa paghahanap sa kanyang ama ay nakarating siya sa Pilipinas.

Dito sa Pinas ay naka­kita siya ng isang pamilya whose only ambition is to bring glory to their hometown.

It’s a story about love and family set against the action-packed world of street basketball, where the stakes are always high and life the biggest game you can win.

Lahat ng magboboses sa mga karakter ay pawang mga magagaling at sikat na artista tulad nina Julie Anne San Jose, Sylvia Sanchez, Cheri Gil, Paolo Contis, Alice Dixson, Kelley Day, Migo Adacer at child actor na si Raver Eda.

Fans can enjoy Barangay 143 not just as a TV Series but digitally, in print and as consumer products. The Barangay 143 Street League mobile game is already available on the Google Play Store for Android and the iOS App Store. The narrative story within the mobile game leads to the suspense and drama that drives the story for the upcoming TV Series.

Magsisimula ang Barangay 143 sa Kapuso network on October.

Pelikula nina Meg, Donnalyn binabatikos

Nagsimula na ang showing ng ‘Jacqueline Comes Home’ (The Chiong Story). Pero bago pa man ito ipalabas ay katakot-takot na ang reaksyon sa pelikula. Pinagdedebatehan na sa social media lalo pa nga’t celebrated case ito in 1997 at buong sambayanan yata ay sinubaybayan ang kasong ito.

May mga bumabatikos sa pelikula kaya naman parehong nag-post ang mga bidang sina Donnalyn Bartolome at Meg Imperial ng kani-kanilang pagtatanggol sa directorial debut ng anak ni Carlo Caparas at Donna Villa na si Ysabelle Peach Caparas.

“I trust what our director said during our presscon: The movie is not b­iased. I may not say it for sure now cause there were things added to our script but honestly, the original script did not incriminate anyone.

“It was about The Chiongs­ and the theory of what happened. The perpetrators in the film and the accused in real life are not matchin­g names or even the number of how many “did it” for the reason that our di­rector @dpeachc understand that the accused could have been given a more fair trial as we all also ,” bahagi ng post ni Donnalyn.

Sa Twit­ter account naman ni Meg ay inuulan din siya ng ta­nong ng mga netizen. Tinatanong siya kung nag-research ba raw muna sila bago tinanggap ang role, kung naniniwala ba siyang guilty ang mga akusado, kung napanood daw ba niya ang documentary film na ‘Give Up Tomorrow’ na base naman sa panig ng primary suspect sa kaso ng Chiong sisters.

Of course, sinasagot din ni Meg ang mga katanu­ngan to the point na napapaaway na nga siya dahil sa pagtatanggol sa film.

At tama naman sina Donnalyn and Meg na panoorin muna kasi ang pelikula bago mag-react at mang-bash.