Abante Tonite Interactive

Ruru nag-dota sa Pasay

0 143

Kasabay sa paglulunsad ng LGD International Launch Party: A Collab of LGD & Esports Gaming, nagkaisa ang gaming company giant Esportsplay Gaming at LGD para sa LGD International Martes sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Asam ng LGD International na makatuklas, maghasa at mag-coach ng Pinoy players at sa iba pang panig ng Southeast Asia upang makasabay sa pinakamala­king DOTA 2 Tournament na The International o TI.

Nasa okasyon sina Esports Gaming Chairman at CEO Ivan Angelo Cuevas at COO John Tse, LGD General Manager Pan Fei at LGD CEO Pan ‘Ruru’ Jie na ­pumirma rin sa kasunduan.

“This is an exciting day for us, the beginning of something ­special,” bulalas ni Tse.

Nakalaro rin sa friendly match ang mga fan at bisita sa DOTA 2 sina eSports stars Ah Jit, Chuan, at Ruru.

Misyon naman Esports play Gaming na makapagtayo ng LGD international headquarters sa ­Pampanga at gaming arena sa Cebu. (Aivan Episcope/Janiel Abby Toralba)