Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruru ‘nagpahipo’ sa make up artist

0 75

NI: ARCHIE LIAO
Viral ang isang video ng production shoot ng ginagawang serye ni Ruru Madrid kamakailan.

Sey ni Ruru Madrid, hindi raw siya na-inform na kailangan pala niyang mag-topless sa kukunang eksena.

Kaya naman, habang nagpi-flex ng kanyang muscles ay nagpahipo siya ng abs sa kanyang make up artist.Inihahanda niya ang kanyang sarili bago sumalang sa susunod na eksena.

Sa video, maririnig naman ang paninita ng direktor sa make up artist.

Sey ni direk, bakit daw pag babae ang mine-make upan ay madali lamang ito samantalang kapag tulad ni Ruru ang inaaplayan ay nagtatagal.

Todo deny naman si make up artist na ang pasakalye ay hindi totoong tsinatsansingan niya ang hubad na katawan ni Ruru.

Leave A Reply

Your email address will not be published.