Abante Tonite Interactive

Ruru tinamaan kay Valeen

By
0 2,167

Lantaran na kung tuksuhin sina Ruru Madrid at Valeen Montenegro ng mga kasamahan nila sa ‘Sunday PinaSaya’.

Nu’ng Linggo sa birthday celebration ni Valeen sa show ay si Ruru ang nag-abot ng flowers sa birthday girl at tinukso ito ng kanilang ‘SPS’ co-hosts at hiniritan ng “Kiss! Kiss!”

Maging si Ai-Ai delas Alas ay kinantiyawan si Ruru, na tumawa lang pero mukhang kinilig sa tuksuhan.

Si Valeen ay parang patay-malisya lang na ngumiti, pero obviously ay aware ang mga kasamahan nila sa kakaibang closeness ng dalawa kaya tinutukso ang mga ito.

Ang nakarating sa aming chika ay crush talaga ni Ruru si Valeen at naging extra-close sila dahil sa kanilang Sunday show.

Pagtagal-tagal ay mukhang tinamaan na raw ang 20-anyos na si Ruru sa 28-anyos na si Valeen.

Wala na sa ‘SPS’ ang da­ting ka-loveteam at naging girlfriend ni Ruru na si Gabbi Garcia. Ibig bang sabihin ay si Valeen na ang ipinalit ni Ruru kay Gabbi?

Hindi kami nagtataka na may mga nagrereak sa pagi­ging masyadong malapit nina Ruru at Valeen dahil parang hindi bagay ang dalawa at medyo masagwa ang dating kung sila ang pagtatambalin.

Makakatulong ba sa wholesome, matinee idol, young leading man image ni Ruru ang isang katulad ni Valeen?

At ang pagkakaalam ng marami ay may non-showbiz boyfriend si Valeen, so nagtataka sila kung bakit ito nakikipagmabutihan sa binatang walong taon ang tanda niya?

In fairness ay wagi rito si Valeen dahil may delicious bagets na nali-link sa kanya. Mas naka-enhance ito sa kanya kesa kay Ruru.

Gaano katotoo na may mga taga-GMA na asiwa rin sa RuVal dahil marami raw Kapuso girls na mas karapat-dapat ma-link kay Ruru kesa kay Val?

Understandable na ma­ging concern at maalarma ang mga nagmamahal kay Ruru dahil nu’ng huling mapag-usapan sa showbiz ang pangalan ni Valeen ay nasangkot siya sa hiwalayan ng mag-asawang Ciara Sotto at Jojo Oconer!

Kiray inilantad ang non-showbiz boyfriend

Aligaga si Kiray Celis sa pag-iimbita sa kanyang bagong bukas na negosyo na Chicks and Fins.

Dama namin ang excitement ni Kiray dahil ito raw ang first business niya sa buong buhay niya.

Nag-soft opening na ang nasabing resto na nasa 2nd Street sa Mendiola, likod ng San Beda University.

Students-friendly ang negosyo ni Kiray, na ang sabi niya sa amin ay P49 lang pataas ang presyo ng mga pagkain pero masarap. Bukas ito ng 12 PM-10 PM.

Very Kris Bernal ang peg ni Kiray dahil tulad ni Kris, business partner niya rin ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Nasa food and restaurant business ang boyfie ni Kiray at noon pa raw siya tumutulong-tulong sa negosyo nito, so ngayon ay partners na sila.

21-anyos at 5’11” ang height ng nobyo ng 22-anyos at 4’11” ang height na si Kiray.

Mukhang inlab na inlab siya sa kanyang very first boyfriend.

In fairness ay wais ang petite comedienne dahil businessman at mukhang may sinasabi sa buhay ang kanyang boyfriend.

Ayaw ng kaechosan niyang si Kirst Viray!