Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rusi manager tinodas ng rider sa binawing motor

0 169

Pinagsasaksak at napatay ang Officer in Charge (OIC) ng Rusi Motorcycle Dealer ng kaniyang kliyente nang bawiin ang hinuhulugang motorsiklo nito dahil sa hindi pagbabayad ng monthly bills ng halos dalawang taon sa Quezon City, nitong Biyernes ng hapon.

Ang biktima ay si Alex Gubot Palcon, 34, may-asawa, OIC manager ng RUSI Tandang Sora branch at taga-SVF Camarin, Brgy. 178, Caloocan City.

Agad namang naaresto ang suspek na si Juriel Segador Floro, 35, walang asawa, mananahi, at residente sa 249 Tandang Sora Ave., Green Village, Brgy. Tandang Sora, QC.

Sa report ng Criminal Investifation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-3:30 ng hapon (September 24) nang maganap ang insidente sa Tandang Sora Avenue.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Andrea Lait, ng Talipapa Police Station (PS-3) ng QCPD, puwersahan umanong binawi ng RUSI management ang motorsiklong hinuhulugan ng suspek dahil hindi na ito nakakabayad pa ng montly bills mula May 2019.

Pero paglabas umano ni Palcon upang bumili ng kape ay sumulpot ang suspek at agad siyang pinagsasaksak. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.