Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Russell, Wolves winalis ang Jazz

0 161

Inari ng Minnesota ang Utah ngayong 75th season.

Sa tatlong laro, hindi pinaporma ng Timberwolves ang NBA-leading Jazz, huli nang kumpletuhin ang manipis na 105-104 upset win Lunes ng gabi sa Target Center sa Minneapolis.

Nagbaon ng season-high seven 3-pointers si D’Angelo Russell tungo sa 27 pts., nagsumite si Karl-Anthony Towns ng 21 pts. at 11 rebounds para sa nangungulelat na Wolves (18-44).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagdagdag pa si Anthony Edwards ng 14 pts., 9 rebs. Namigay rin ng 12 dimes si Russell.

Nasa unahan ang Jazz 33-17 pagkatapos ng first quarter pero nalimitahan sa 27 points lang sa sumunod na dalawang periods at inagaw ng Wolves ang trangko 83-70 papasok ng fourth.

Wala si Donovan Mitchell (right ankle sprain), binitbit ng 26 points, 9 rebounds at 7 assists ni Conley ang Jazz (44-17) na bagama’t talo ay nanatili sa unahan ng Western Conference. Umayuda ng 18 si Rudy Gobert, nagkasya sa 13 si Jordan Clarkson. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.