Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Russia vaccine ituturok sa mga Senate staff

0 340

Hinihiling ng Senado sa national government na payagan silang bumili ng 5,000 dose ng Sputnik V COVID-19 vaccine na gagamtin para sa kanilang mga empleyado.

Sa sesyon ng kapulungan, ibinunyag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nakikipag-usap ang liderto ng Senado sa Malacañang at sa mga opisyal na nakatalaga sa COVID-19 vaccination program na payagan silang bumili ng naturang bakuna.

“We were appealing if we can buy an allotment of 5,000 doses that’s good for 2,500 staff of the Senate and secretariat,” pahayag ni Zubiri.

Samantala, sabi ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III, pumayag na umano ang national government sa hiling ng Senado na bumili ng Sputnik V COVID-19 vaccine.

“The Secretariat informed that after they talked to you, they already got in touch, couple of days ago with Gamaleya. And they agreed already,” ayon kay Sotto.

“The problem is IATF, mabagal ang aksyon” ayon naman kay Zubiri.

Ang Sputnik V COVID-19 vaccine ay gawa ng Gamaleya Institute na nakabase sa Russia. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.