Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Russian bakuna posible sa bagong taon

0 293

Maaaring makakuha ang Pilipinas ng COVID-19 bakuna mula sa Russia sa unang buwan ng 2021 kung magiging maagap ang paghahanda ng bansa.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to Russia King Sorreta sa press briefing sa Malacañang kaugnay sa mainit na usapin sa tinutuklas na bakuna laban sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Tuloy-tuloy aniya ang pag-uusap ng Pilipinas at Russia hinggil sa bakuna, at tiniyak na makakakuha ang ating bansa batay na rin sa naging pangako ng Russian government.

May sariling istratehiya aniya ang Russia sa paraan ng distribusyon sa bakuna kumpara sa Amerika at China.

Ayon kay Sorreta, pumapasok sa co-production agreement ang Russia sa mga bansang gustong makakuha ng kanilang bakuna kaya dapat maging maagap ang Pilipinas. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.