Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Russian, Indian pinisak : So mabangis sa resbak

0 192

Mala-tigreng bumalikwas sa pamamagitan ng dalawang panalo at tatlong tabla na katumbas ng 3.5 points si Grandmaster Wesley So upang tumabla sa ikapito sa katayuan ng virtual 1st Meltwater Champions Chess Tour 2021 fifth leg, New In Chess Classic Day 2 nitong Lunes.

Pinagpipisak ng 27-year-old United States bet mula sa Bacoor City sina Gujrathi Vidit ng India at ex-world challenger Sergey Karjakin ng Russia, at nakipag-draw kina Teimour Radjabov ng Azerbaijan, American Leinir Dominguez at Le Quang Liem ng Vietnam.

Mula sa joint 11th place sa opener, umakyat si So sa sosyo sa seventh spot sa 5.5 markers mula sa four wins, three draws at two losses sa nine-day chessfest na may  $100K total pot at $30K ang isusubi ng magkakampeon.

SM food to go Banner Ad

Isang buong puntos ang iwan nina So, Levon Aronian ng USA at Aryan ng Tari ng Norway sa nagsosolo sa sa lideratong si reigning world classicial champ Magnus Carlsen ng Norway (7.0 pts).  Humihinga sa batok niya sa 6.5 sina Iran’s Alireza Firouzja at USA’s Hikaru Nakamura.

Makakatuos pa ni So sa rolyo ng prelims ngayong Martes na magdedetermina sa quarterfinal round  casts sina Carlsen, Nakamura, Tari, Aronian, at Norwegian Johan-Sebastian Chrstiansen.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.