Abante Tonite Interactive

Russian lifters sinipa sa Rio 

98

BUDAPEST, Hungary (AP) — Banned ang lahat ng weightlifters ng Russia sa Rio Olympics dahil sa doping.

Nitong Biyernes, ibi­naba ng International Weightlifting Federation (IWF) ang ban bunga ng “extremely shocking” results na naglagay sa sport sa alanganing sitwasyon.

“(The) integrity of the weightlifting sport has been seriously damaged on multiple times and levels by the Russians,” anang IWF. Tama lang daw ang ibinabang parusa para mapreserba ang status ng sport.

Una nang nag-issue ang track and field ng blanket bans sa Russian athletes. Ilan pang sports – kabilang ang rowing, wrestling, modern pentathlon at sailing – ang nag-ban ng isa o higit pang Russians na sumabak sa Rio de Janeiro.

Ayon pa sa IWF, sa retests ay nagpositibo ang pitong Russian weightlifters na sumali sa 2008 Beijing o 2012 London Olympics.

Sina female weightlifters Tatiana Kashirina at Anastasiia Romanova ay una nang inalis ng Russian federation dahil sa doping offenses. Hindi pinangalanan ang iba pang banned lifters.