Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ruta sa Bohol pinabongga

0 82

Atat na magbabalik ang mga triathlete buhat sa dalawang taong pagkatengga, kasama ang mga gigil makisawsaw sa multi-sport para sa pagtitiis at diskarte ng isipan sa world-class course ng Sun Life 5150 Triathlon na aarangkada sa Hulyo 10 sa Bohol.

Ilalarga sa istilo ng Olympics ng organizer IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. , bubuksan ang kaganapan sa open-water 1.5km swim sa alas-6:30 ng umaga sa puting buhangin ng dagat, iikot bago babalik sa Bellevue Hotel beach.

SM food to go Banner Ad

Papadyak ang 40km rolling bike leg out and back sa Doljo beach na may dalawang ikutan at tatlong likuan sa Dauis-Panglao road, una sa Km 11, Km 20 at pabalik ng Km 29 pa-finish line sa event na mga ihahatid ng Bohol Province, Panglao Municipalit, Finis, Rudy Project, Sante, Active, Manila Bulletin, Crosstrain.PH, MBody.PH, Tempo, Amorita at Bluewater.

Ang closing 10-Km flat run course ay single loop challenge paalis at pabalik sa Doljo beach na may run aids sa KMs 1, 9, 2, 8, 3, 7, 4, 6, at Km 5 turnaround. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.