Abante Tonite Interactive

RVS Player of the Series

By
91

Hindi lang ang main event ng Ronald V. Singson (RVS) Cup Philippine Poker Championship ang target ng mga poker player natin na suki sa Metro Card Club sa Ortigas.

Maraming side events na nakalinya sa serye at ang may pinakamataas na maiipong puntos ay tatanghaling RVS Player of the Series.

Nakauna agad si William Ysmael na nakopo ang titulo sa Pre-Event P750K Gua­ranteed.

Beterano sa Metro si Ysmael. Siya rin ang nagwagi noong nakaraang taon sa Metro P2M Guaranteed Main Event.
Pero hindi si Ysmael ang kasalukuyang na­ngunguna sa Player of the Series race.

Mas malaking puntos ang nakuha ni Mark Larson kahit na puma­ngatlo lang siya sa pre-event dahil siya ang may pinakamalaking premyo na naibulsa so far.

Nagkaroon kasi ng deal ang top five pla­yers sa pre-event at si Larson ang may pinakamalaking stack noong nagkaroon na silang kasunduan sa hatian ng premyo.

Mahaba pa ang laban at tiyak na mas magiging mahigpit ang karera para sa RVS Player of the Series.
Ang tatanghaling RVS Player of the Series ay mananalo ng libreng biyahe sa Boracay, kasama na ang 4D/3N stay sa The District Boracay.

Kabilang sa malala­king pangalan na nasa Top 10 ngayon sa RVS Player of the Series ranking ay sina Lester Edoc at John Tech.

Nakapasok sa final table ng pre-event si Edoc habang si Tech naman ay nagwagi sa Power Button Event.

Medyo maliit lang ang premyo na nakuha ni Tech sa napanalunan niyang event kaya hindi rin kalakihan ang puntos na nakuha niya mula rito.

Good luck na lang sa lahat ng sasali pa sa mga event ng RVS Cup.