Abante Tonite Interactive

Ryan alaskado kay Karylle

257

Napikon diumano ang Kapamilya actor na si Ryan Bang sa tapatan nila ng aktres na si Karylle sa “Beklaban” sa noontime show na “It’s Showtime.”

Sa lahat ng makakatunggali ay napili ng aktres na makatapat si Ryan. May mga isyu rin kasi na hindi okay at nagkatampuhan ang dalawa.

Sa laro, napili ni Karylle na maging “Kilay” ni Ryan Bang. Tinutukoy nito ang well-groomed kilay ng aktor.

Abante Hiring – IT dep

Nais niya umanong maging kilay ni Ryan Bang dahil tiyak na manghihina ito sa oras na mawala dahil “Kilay is Life.”
Maging ang “It’s Showtime” host na si Mariel Padilla ay napuna na below the belt na umano ang tirada ng aktres.

Dagdag pa ni Karylle, para rin daw umanong linta na naninipsip ng dugo ang kilay ni Ryan.

“Happy ka ba, ate Karylle?” tugon ng aktor.

Halo-halo naman ang naging reaksiyon ng mga netizen. May mga nakapansin kasi na halatadong na-offend si Ryan sa tirada ni Karylle sa kanya.

Pero pinagtanggol naman ng ibang netizen si Karylle.
Komento nila:

@CJ, “According sa lahat ng showtime staff/host si K ang pinaka friendly/ down to earth. Wag mag judge kaagad.”