Abante Tonite Interactive

Ryan dinededma ng mga ‘It’s Showtime’ host

2,459

tonite-imo-vinia-vivar
Aminado si Dingdong Dantes na naaaliw siya sa tatlong loveteam na kasama nila sa Metro Manila Film Festival entry na Fantastica – ang DonKiss (Donny Pangilinan and Kisses Delavin), LoiNi (Loisa Andallo and Ronnie Alonte) and MayWard (Maymay Entrata and Edward Barbers) at naaalala raw niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
“Natuwa ako kapag napapanood ko ‘yung tatlong loveteams, kung gaano sila ka-close sa isa’t isa kasi siyempre, naaalala ko noong bata ako, sa loveteam din ako nag-umpisa.”
“Nakakatuwa how they are towards each other, how they are du’n sa mga tao sa paligid nila na nakakakwentuhan namin,” sabi ni Dong.
At ganu’n din naman kataas ang respeto ng tatlong loveteam kay Dong, gayundin sa isa pang aktor na si Richard Gutierrez who’s also part of the movie.
Si Dingdong sa mundo ng mga tao at si Chard naman ay nasa mundo ng Fantastica na later ay pupunta rin sa mortal world.
Si Maymay nga ay na-starstruck pa nang makita for the first time si Dong since hindi naman niya talaga ito nakikita bilang Kapuso ang aktor.
Same with Ryan Bang who is also part of the movie na ipinagmamalaking naging close niya si Dingdong habang ginagawa nila ang movie. Magkapatid ang role nila rito kaya lagi silang magkaeksena.
“Sobrang happy po ako kasi sobrang close kami ni Kuya Dingdong. Parang best friend na best friend. Parang magkapatid. Baka feeling ko lang ‘yun,” sabi ni Ryan at pinatotohanan naman ito ni Dong.
Kuwento nga ni Vice Ganda, tuwing manggagaling daw ng shooting si Ryan ay ipinagmamalaki nito sa mga It’s Showtime host na best friend niya si Dong.
“Tapos, walang nakikinig sa kanya. Kumakain kami backstage, (sabi ni Ryan), “nag-bonding kami ni Kuya Dingdong, kumain kami kagabi bago umuwi.” Wala talagang nakikinig sa kanya. Lahat ng nakakatrabaho niyang bago, sasabihin niya, best friend niya. Sabi ko nga, ayan na naman si Dingdong, best friend na naman niya,” kuwento ni Vice.
Sey naman ni Ryan, ‘yung mga dati raw ay echos lang niya pero si Dingdong daw ay totoo na raw talaga.

Bela pinagtripan ni Vice

Kasama rin si Bela Padilla sa Fantastica at aminado ang aktres na gulat na gulat din siya na nakasama siya sa movie. Ang kantyaw nga sa kanya ni Vice, nagka-culture shock siya while doing the film dahil siyempre, kilala siya as a dramatic actress.
“Kasi, ‘yung mga pelikula niya raw, isang camera lang, tapos dalawa silang artista. Sabi niya, “ang daming­ tao, nahihilo ako.” Tapos tawa nang tawa ang mga tao,” kuwento ni Vice.
Ayon kay Bela, ngayon lang siya talaga nakagawa ulit ng pelikula na may ganito karaming cast.
“Ang daming tao na nasa-shock ako na tawa kayo nang tawa. Parang minsan, napapagod na rin ako,” natatawang sabi ni Bela.
Sobrang memorable daw niya ‘yung last day shooting niya with Vice dahil sobrang pinagtripan daw talaga siya.
“Kung ano-ano ang ginawa namin, naghahabulan kami ng tanghaling tapat. Na-enjoy ko ‘yun, bagong experience sa akin ‘yun,” saad pa ni Bela.