Abante Tonite Interactive

Ryan, napamura sa bilib kay Juday

By
Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos
11

WALEY: Waley akong masabi at grabe ang suporta ni Ryan Agoncillo sa asawang si Judy Ann Santos.

Coming from a 2-episode taping ng Ismol Family sa Novaliches ay humabol ito sa CCP Main Theater at hinarap ang ulan at traffic para suportahan ang misis niya.

Napatigalgal at tahimik na napamura at namangha si Ryan sa husay ng kanyang asawa sa kuwento ng Kusina.

Ang sabi ni Ryan, “This is a film driven by vision. Kusina takes a brave direction in film-making, suspension of disbelief, is at first demanded. Then gently, the film settles into a rhythm that sweeps you thru decades of emotion, wonderfully acted.

“The dedication of its creators to their chosen creative process is very much the definition of ‘sticking to their guns.’

“Movie queen Judy Ann Santos, very ably supported by the rest of the cast, let you into their own world and hold your hand thru the experience, without ever leaving you questioning what unfolds before you.

“A very fresh take on very familiar issues and delivering strong messages in the quietest manner, Kusina is truly a movie you shouldn’t miss.

“Like your mom’s cooking on a rainy day, it will excite and comfort you with every spoonful. definitely worth your purple buck.”

Bukas, babalik si Juday sa CCP at 8:00 PM para sa kanyang meet and greet sa kanyang full house audience sa Main Theater para sa Kusina.

***

HAVEY: Marami ang nag-aabang sa bagong figure ng ating mahal na megastar Sharon Cuneta dahil hindi na muna siya nagpapakita habang nagda-diet siya bago lumabas sa publiko.

Sobra na raw siyang pumayat, sabi ng mga kaibigan namin na nakita ang picture ni Mega.

Heto ang sabi ni Shawie sa kanyang FB post, “Ang bago ko pong figure (NAKS! O ang aking bagong pagpayat nang konti) ay makikita n’yo lang po sa Finals na ng The Voice Kids 3 sa Resorts World sa last two weekends ng August.

“Ang lalabas po sa TV this coming weekend ay matagal na po naming na-tape; hindi po siya kailan lang, kaya po medyo bachingching pa ako doon.:-)”

Sinabihan na si Shawie ni Direk Olive Lamasan ng, “Wow Anak! Sexy ka na!”
Pumayat na raw si Shawie nang konti (naks!).:-) Pero first time niyang naringgan si Direk Olive ng ganitong compliment.

Ang biro ni Shawie, “Baka naman nabubulagan ng pagmamahal lang sa akin?! Hahahaha!”
Na-pressure tuloy siya lalo!
Mula today raw until the TVK3 finals, ang kakainin na lang daw niya ay PRIDE. Sabay mala­king tawa.

Tayong nagmamahal kay Shawie ay excited nang makita siya ulit in top form para makagawa na naman siya ng pelikula man o show nang wala nang sagabal sa appea­rance niya o health.

Ang sarap lang balikan ‘yung mga lumait sa kanyang katabaan noon.
But the Sharonians that we are, we are so beyond there. Ang da­ming magagandang bagay coming in Sharon’s way.

Kaya abangan na lang natin ang kanyang pagbabalik! We love you, Shawie!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me @iamnoelferrer.