Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ryan tinulungan ang ramen vendor makauwi sa Korea

0 278

NI: ROLDAN CASTRO

Tinulungan ni Ryan Bang ang kanyang kababayan na ramen vendor para makauwi ng Korea.

Wala raw itong pamasahe kaya siya na ang magbibigay ng pambili ng tiket.

SM food to go Banner Ad

Hindi na raw niya itutuloy ang balak niyang pumunta sa Korea ngayong Pasko dahil may ‘It’s Showtime’ siya.

Ang nagtitinda ng Korean ramen sa Las Piñas ay nagngangalang Jang Sam-hyun. Hindi nito mapigilang pumatak ang luha sa ayudang binigay ni Ryan.

Sa vlog ng komedyante sa YouTube mapapanood na personal niyang inabot ang kanyang ayuda.

Ayon kay Jang (na-translate na sa English ang salitang Korea), “Thank you. You are the first Korean to come. No Korean has ever come to see me. No one has even bought ramen. You’re the only one.I’m 76 years old. If something good happens to me, I will repay these people back for all the help they gave me,” lahad niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.