Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ryu Jun Yeol tinawagan ng Presidente

0 55

Mistulang tradisyon na sa South Korea na kapag sumasapit ang Chinese New Year, may mga personal na tinatawagan ang Presidente ng South Korea.

Sa pagdiriwang ng Lunar New Year, may walong K-citizens daw ang tinawagan ni Pangulong Moon Jae In. Mahigit daw na isang oras itong nakipag-usap sa pamamagitan ng Kakao Video Chat.

Dito ay nagpalitan sila ng good wishes for the new year .Nagpasalamat din siya na kahit mahirap ang situwasyon dahil sa COVID-19, nagpapatuloy lang.

At isa sa nakatanggap ng tawag first thing in the morning ay ang South Korean actor na si Ryu Jun Yeol. Nag-thank you siya sa ginagawang pag-encourage sa mga tao na bawasan ang paggamit ng mga plastic at sa pagiging regular donor in ng Greenpeace.

SM food to go Banner Ad

Sa pag-uusap nila, nabanggit ng actor ang need na sana raw, ang mga malalaking supermarket at kumpanya ay magbawas na sa paggamit ng plastic. Nagpasalamat din siya nang makita raw niya ang picture ng Presidente kasama ang First Lady na nagpunta ng market, pero may dalang reusable plastic containers. At nagpasalamat din ito sa effort ng Presidente na maging carbon neutral ang South Korea by 2050.

Na-curious naman ang South Korean President kaya tinanong nito si Jun Yeol kung bakit daw nagkaroon ito ng malaking interes sa environment. Pakli nito, “I was moved by the nature I encountered in Africa in 2015 to 2016, and I thought a lot about how we can preserve it so that we can pass it on to future generations.”

Si Rye Jun Yeol ay isa sa mga kilalang cast ng sikat na drama na Reply 1988 at The King. In a relationship din siya sa singer/actress na si Lee Hyeri.

Leave A Reply

Your email address will not be published.