Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ryza ayaw pang magpakasal

0 217

Humarap sa entertainment press si Ryza Cenon para sa virtual presscon ng kanyang proyekto sa TV5 na ‘Bella Bandida.

Wala pa silang plano ni Miguel Cruz na magpakasal kahit may anak na sila. Focus muna raw sila sa baby nila.

Gusto rin ni Ryza na isa lang ang baby nila. Mahirap daw ngayon ang maraming anak dahil habang tumatagal ay pamahal nang pamahal ang tuition fee para sa pag-aaral ng anak nila.

“Tumitingin po kasi kami ng mga insurance para kay Baby Night, nakita ko yung presyo na ngayon pa lang ganito na yung presyo ng mga tuition. Paano pa paglaki niya?,” lahad pa niya sa presscon.

Anyway, bibida si Ryza sa Bella Bandida na magsisimula sa November 25, Wednesday , 9:30PM sa TV5.Gaganap siya bilang Annabelle “Bella” Suarez, isang doktor na ang hangad lang ay mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga kababayan sa Santiago.

Ang seryeng ito ang unang “title role” para kay Ryza. Sa nakalipas na apat na taon, mahusay niyang nagampanan ang mga karakter na sina Georgia Ferrer sa “Ika-6 na Utos” (GMA-7), Aubrey Hidalgo sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, at Jessie de Leon-del Fierro sa “The General’s Daughter” (ABS-CBN). Mula sa Kapuso hanggang sa Kapamilya, at ngayon sa Kapatid network, siguradong magmamarka si Ryza bilang isa sa mga babaeng “action heroes” sa Philippine TV.

Kasama niya “Bella Bandida” sina Josef Elizalde, AJ Muhlach, Efren Reyes , Jr., Lito Pimentel,Rafa Siguion-Reyna, Sarah Jane Abad .Isang mahalagang papel naman ang gagampanan ni Ara Mina sa buhay ni Bella Bandida at sa buong Santiago.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.