Abante Tonite Interactive

Sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ Juday panakip-butas kay Claudine

841

Ni: Ronaline Avecilla

Muling masisilayan on-screen ang batikang aktres na si Judy Ann Santos. Mapapanood na siya sa longest running teleserye sa balat ng telebisyon, ang “FPJ’s Ang Probinsyano”. Magsisilbing kakampi at kaaway umano si Juday ni Cardo Dalisay.

Excited ang lahat dahil bagama’t ‘unbeatable’ na ang teleserye na ito ay pinasok pa nila ang young superstar.

Pero may intrigang lumalabas, ang role umano ni Juday sa teleserye ay para raw kay Claudine Barretto. Panakip-butas nga lang ba siya?

May request nga lang daw si Claudine, papayag lamang siya kung wala sa teleserye ang dati nitong asawa na si Raymart Santiago.

May alingasngas na hindi umano napagbigyan ang request nito.

Anyway, malaking advantage na magkasama sina Juday at Raymart sa “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil mag-partner sila sa “Starla”.

May isyu rin na ipinasok muna si Juday sa teleserye ni Coco para hindi mainip sa pagkabinbin ng “Starla”.