Abante Tonite Interactive

Sa hamon na imbestigahan ang frigate deal Alejano kumasa sa Malacanang

1,863

Kinasahan ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang hamon ng Malacañang na imbestigahan ang kontrobersiyal na frigate deal.

Ayon sa kongresista, ang kapakanan ng mga sundalo ang kanyang itinataguyod at hindi ng sinumang opisyal ng nagdaang administrasyon.

“Suportado ko ang isang makatotohanang imbestigasyon at hindi iyong palabas at pakitang-tao lamang. At the end of the day, it is the welfare of our AFP that I am after and not that of the contractors and brokers profitting from the different projects under the AFP Modernization Program. Ang kaalyado ko ay ang interes ng AFP at ng bansa at hindi kung sinumang magnanakaw sa gobyerno. Makakaasa si Spokesperson Roque na hindi ako mananahimik at hindi ako uurong kung may tatamaan mang opisyales sa nakaraan o kasalukuyang administrasyon kung sila ay sangkot sa anomalya,”pahayag ni Alejano.

Binatikos ng solon ang asta ng Malacañang sa tila kagyat na pag-absuwelto kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

“Unfortunately, Malacañang, instead of calling for an investigation, outrightly dismissed the issue and even cleared Secretary Bong Go through a quickie probe. Natulog lang tayo, kinabukasan cleared na kaagad,” sabi ni Alejano.

Ipinanawagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr.ang imbestigasyon sa multi-billion Navy frigate contract na pinasok ng nakaraang gobyerno sa pagitan ng isang Korean firm.

“Congressman Alejano, salamat po. Dahil sa iyong sinabi iimbestigahan na po natin yung inyong mga kakampi noong nakalipas na administrasyon,” sabi ni Roque.(A.Cano)