Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sa ikauunlad ng bayan, e-bike ang kailangan

0 142

Sagad to the bones na mga tropapips ang hagupit ng oil price hike at dusa sa pag-commute. Kaya ang iba nating kurimaw, bisikleta ang sagot sa dinadanas nating krisis ngayon sa transportasyon.

Kung tutuusin, noong pang pumutok ang COVID-19 pandemic nagsimulang dumami ang mga nagba-bike for work dahil nga pahirapan din ang biyahe noon.

Bukod pa sa mas “safe” ang mag-bike kesa makipagsiksikan sa PUVs gaya jeep o bus, at baka mahawahan ka pa ng virus.

Kahit naman ngayon, kakaba-kaba ka pa rin naman kapag nag-commute. Lalo na kung aircon ang nasakyan mo at umiikot-ikot lang sa loob ang hininga ng mga pasahero. Kaya kung may COVID ang isang pasahero at mahina ang uri ng face mask na gamit niya o gamit mo, delikadingding ang kalusugan mo.

Kung naging “biro” noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang slogan na, “sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan,” aba’y mukhang swak na swak ito ngayon.

Siya nga pala mga tropapips, ang totoong slogan noon ay “sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.” Pero may nag-joke daw ng tungkol sa bisikleta at sumikat din ito.

Pero sa totoo lang, sa panahon ngayon, maigi talaga ang mag-bike na lang para makatipid sa gas kung may “rides,” kung nagco-commute naman, para makatipid sa pamasahe at makaiwas sa matinding trapik.

SM food to go Banner Ad

Iyon nga lang, sobrang init ng panahon sa Pilipinas. Kaya kung naka-bike ka pagpasok ng trabaho o paaralan, malamang na mukha kang bagong paligo (sa pawis) pagdating mo sa pupuntahan. Mabuti sana kung may shower area sa trabaho o paaralan para makagoli ka muna. Iyon nga lang, baka magkasakit ka naman.

Kaya ang hirit ng iba nating tropapips, electric o e-bike ang talagang bagay at kailangan ng mga Pinoy. Para nga naman hindi masyadong pagpawisan ang tao pagdating niya sa pupuntahan. Sa pag-uwi, okey na magpadyak na lang dahil sureball ka na sa ligo sa bahay.

At dahil marami ang bumibili ngayon ng e-bike, dapat sigurong makialam na ang Department of Trade and Industry para mamonitor ang presyohan nito. Mas maganda rin na magkaroon mga charging station maging sa mga gas station.

Higit sa lahat, dapat mabigyan ng tamang turo ang mga bikers tungkol sa disiplina at patakaran na dapat nilang gawin sa biyahe. Isa na rito ay huwag na huwag silang gumaya sa mga “kamote rider” na sumasampa sa bangketa.

Basahin din ang LTO Regulation 2021-039 tungkol sa paggamit ng e-bikes at e-scooter. Alamin kung dapat bang iparehistro nila ang kanilang sasakyan, saan sila puwede at hindi puwedeng dumaan, at kung kailangan ba nilang magdala ng rehistro at lisensiya.

Maiging alam ng mga gumagamit e-biker at e-scooter ang patakaran tungkol dito para hindi mabakalan ng mga maninita sa kanila sa daan. Laging Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

Leave A Reply

Your email address will not be published.