Abante Tonite Interactive

Sa napanalunang award: ‘Dagdag- gasolina’ — Alden

By
2,642

Medyo nawala nang matagal si Alden Richards dahil sa pagtungo niya sa US kaya naman pagda­ting niya, ang una niyang ginawa ay makipag-bondin­g sa kanyang mga fan na nanalo ng ‘Greet and Dine’ na pa-contest ng ine-endorse niyang Cookies Peanut Butter.

Ayon kay Alden, this is a good time na rin para makasama ang mga ever-loyal fan niya na walang sawang sumusuporta sa kanya all these years.

Thankful din ang Pambansang Bae sa mga sumuportang Pinoy sa Sikat Ka, Kapuso shows sa New Jersey and Toronto.

“Very successful po ang show, thank you po sa lahat ng pumunta sa New Jersey and Toronto. ‘Yun ‘yung masasabi mong worth it ang lahat ng pagod kasi talagang dumayo po sila to us and we are very happy that we’re able to deliver a good show for everyone. Parang ang dami raw naka-miss sa Pilipinas,” pahayag ni Alden.

After the two shows ay dumiretso si Alden sa New York Festival kung saan ay nanalo nga ng silver award ang kanyang documentary drama na ‘Alaala, A Martial Law Special’.

“Ano naman po ‘yun, dagdag-gasolina naman po ‘yun sa lahat para ma­kagawa ng mga projects and mga materials po for the international audience and also for the internatio­nal market para ma-showcase po natin ang Filipino talents and what we have in terms of doing content for the outside market,” saad pa ni Alden.

Sa pagkakatanggap niya ng nasabing award, ani Alden ay na-realize niya na iba raw pala talaga ang pakiramdam kapag nakaka-receive ng internatio­nal award.

“All over the world po kasi ‘yun, hindi lang sa US, merong from Russia, from Japan, from Korea, so ang sarap po ng pakiramdam na bilang Pinoy, meron tayo do’n, mero­n tayong puwesto do’n,” he said.

Na-maxi­mize naman daw niya talaga ang trip niya at lahat daw ng puwedeng i-grab na oportunidad ay ginawa niya.

“One of those was a workshop conducted by Mr. Athony Bova. Ibang klase rin ‘pag nag-workshop abroad. Kung ano po ang difference when getting an award, it’s also different doing a workshop abroad. ‘Pag andu’n ka kasi, parang back to zero, eh. Kung baga, ‘yung achievement mo, si­yempre, kasama mo ‘yun, pero ‘pag nasa ibang territory ka na, it’s a different story.

“So, siguro, in a way, bumalik ako sa basic while doing the workshops, nag-zero po ako, eh, from zero­. So mas fulfilling siya kasi ang dami mong nadi-discover sa sarili mo,” sey pa niya.

Napakarami raw niyang natutunan sa workshop na magagamit niya raw talaga sa future projects and roles niya.

Sa ngayon ay busy-busy-han naman si Alden sa promo ng kanyang Cookies­ Peanut Butter na pag-aari ng mag-asawang Cooki­e and Joy. Last Sunday ay nasa SM Megamall naman siya for a promotional campaign kung saan ay pinasaya niya ang mga tao roon by performing.

JM masungit kay Barbie

MASUNGIT ang first impression ni Barbie Impe­rial sa leading man niya sa Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi na si JM de Guzman dahil hindi raw tumatawa masyado ang aktor. In fact, inabot daw ng two weeks bago sila nagpansinan. Pero aniya, nakuha rin naman daw niya ang kiliti nito later on.

“Kung baga, sa tapin­g po kasi, minsan lang siya mag-smile. Si JM po kasi, seryoso siyang tao, eh,” pagde-describe pa ni Barbie.

Noong una raw ay tala­gang hindi siya pinapansin ng aktor at siya raw ang parating namamansin dito.

“So, ang ginawa ko, isang beses, sa Batangas po kami no’n, pinansin ko siya isang beses lang, pero hindi ko kinulit. Hindi tulad ng dati na “Uy, kumusta ang araw mo?” ganun-ganun. Siguro, hinanap-hanap niya ‘yung ganu’n. Tapos sabi niya sa akin, ‘Ba’t di mo ako pinapansin?’” kuwento ni Barbie.

Paliwanag naman ni JM, masungit daw kasi ang karakter niya sa serye kaya ‘pag nasa set siya, into character na raw agad siya.

“Ang hirap mo kayang hindi mapansin,” pa-cute na sabi ni JM kay Barbie.

May mga sexy scene s­ina Barbie and JM sa serye at okay lang naman ito sa young actress dahil kailangan naman daw talaga sa eksena.

Kahit ang boyfriend niyang si Paul Salas ay very supportive naman daw sa kanyang big break na ito.

Yup, alam ni JM na taken na si Barbie at kaibigan din naman daw niya si Paul kaya hanggang friends na lang daw talaga sila’t huwag nang lagyan ng romantic angle.