Abante Tonite Interactive

Sa pag-upak ng AlDub… Juancho sumuko sa Twitter

By
3,745

NAG-SORRY agad si Juancho Trivino sa kumalat na video na nakunan siyang nagdi-dirty finger, na ikinagalit ng mga fan ni Alden Richards.

Una kasing naka-focus ang kamera sa Technomarine poster ni Alden, nang lumipat ang shot kay Juancho ay makikitang itinaas ni Juancho ang mga kamay niya at nag-dirty finger sign habang nakangiti.

Kung nakakapanakit ang mga salita ay malamang baldado na si Juancho sa dami ng nagalit na Alden at AlDub fans sa kumalat na video na ‘yon.

Kung kaibigan ni Juancho ang kumuha nu’n ay ipinamahak siya nito nang i-post nito ang nasabing video, na alam nitong puwedeng pagmulan ng intriga. ‘Yun na nga ang nangyari kaya bash pa more ang fans sa Kapuso hunk.

“I sincerely apologize for my actions in the video that has been circulating lately. It was a bad joke not intended for Alden.

“Humihingi ako ng pasensya kay Alden for drawing him into this, and sa kanyang pamilya na nagkaroon ng ganitong issue.

“I would also like to say sorry to the people supporting me, to the fans who were disappointed with my actions, to my family who does not have anything to do with this incident.

“There is no excuse for what I did, and again, I sincerely apologize. Having said all of these, you can expect a better Juancho and I will be more mindful of these things,” post ni Juancho sa social media nu’ng Lunes nang gabi.

Naka-disable ang commenting feature sa Instagram ni Juancho kaya hindi siya puwedeng i-bash sa kanyang feed.

Ang Twitter niya ay mukhang deleted na dahil as of kahapon ay hindi na ito nag-e-exist.

Eversince ay mabait at magalang ang pagkakakilala namin kay Juancho kaya medyo nakakagulat ito. Ewan namin kung bakit siya pumayag magpa-video nang naka-dirty finger at hindi niya pinabura ‘yon doon sa kumuha.

Ayan tuloy. Sa isang walang kuwentang ‘biro’ ay napahamak siya nang bongga. Haayyy…

In fairness ay may ilang nagtanggol kay Juancho at sinabing daliri lang ‘yon at bi­ruan lang, masyado lang pinapalaki ng fans.

Pero katwiran ng ibang Alden supporters­, may malisya ang ginawa ni Juancho dahil kinunan ‘yung poster ni Alden, tapos ay nagtatawanan sila roon sa video.

Inggit lang daw si Juancho kay Alden. Aray ko!

Magkaklase noon ang dalawa sa La Salle-Canlubang, pero hindi sila friends.

Nagkasama sila sa AlDub teleseryeng Destined To Be Yours, pero ang naging ka-close doon ni Juancho ay si Maine Mendoza.

Even after the show ay nanatiling friends sina Juancho at Maine, to the point na nali-link na rin sila.

Naging tunay na barkada ang turing ni Meng kina Juancho at Sheena Halili. Feeling namin, kumpara kay Alden ay mas close pa ngayon si Juancho kay Maine.

Sana nga ay may natutuhan si Juancho sa nangyari dahil kontrabida na nga ang dating niya sa AlDub fans ay mas lalo pang lumala dahil dito.